CHAPTER 164 " THE PAIN YOU NEVER KNEW " PART 2

963 38 13
                                    

Hindi malaman ni Eriol ang kanyang gagawin. Ilang beses nitong sinubukang pindutin ang power button ng kanyang cellphone ngunit hindi na ito nagliwanag. " Shit! Bakit ngayon pa, " agad siyang napatingin sa kanyang paligid.

Ano'ng gagawin ko... baka makita ako ng serial killer dito. (Eriol)

Isang kamay ng tao ang biglang tumapik sa kanyang balikat. Nagulat ito at biglang napabalikwas sa takot. " Ahhh!!! Si-sino ka?! H'wag mo akong sasaktan!!! "

" Gomen nasai, hindi ko gustong takutin ka, " napayuko nang bahagya ang matandang lalaki na mukhang nasa singkuwenta mahigit ang edad. Mayroon itong hawak na payong. Nakasuot ng isang kasuotan na katulad sa mga monghe ng templo.

" Si-sino ka? " may nginig na tanong ng binatilyong si Eriol.

" Ako nga pala si Toya. Isa akong Abbot sa templo na nasa itaas ng bahagdang ito. Maaari ko bang malaman kung ano ang ginagawa mo rito? " mahinahong tugon nito.

" Na-nagpapatila lang po ako... a-ang totoo niyan... ma-may nakita akong serial killer na malapit sa lugar na ito. Tu-tulungan mo akong magsumbong sa mga pulis, " hinawakan nito ng mabilis ang kamay ni Abbot Toya.

" Kumalma ka muna hijo. Ang ibig mo ba'ng sabihin ay nakita mo ang serial killer na sinasabi nilang pumapatay sa mga daan ng Shikoku? "

" Opo! Doon banda... " itinuro nito ang direksyon kung saan siya nanggaling kanina. " Pauwi na ako sa amin nang bigla akong makakita ng dalawang lalaki. 'Yung isa takut na takot siya samantalang 'yung kasama niya ay tumatawa. Tama! Tumatawa siya habang pinagsasasaksak ng isang babae na nakasuot ng kimono. "

" Ang mabuti pa siguro ay umakyat na muna tayo sa templo upang makapag-usap ng maayos... " aya ng abbot.

Agad itong tinanggihan ni Eriol. " Hindi! Ka-kailangan ko nang umalis... ang Papa ko... wa-wala siyang kasama sa bahay, " sinimulan nitong tumakbo palayo sa kausap.

---

Nang makauwi si Eriol sa lugar kung saan sila nakatira ay agad niyang binuksan ang gate sa labas. Mabilis itong nagtungo sa pintuan ng kanilang bahay.Natataranta itong pinipindot ang doorbell na malapit sa pintuan ng kanilang bahay. " Papa! Papa! Buksan mo ito! "

Ilang saglit lamang ay bumukas na ang pintuan. Agad nitong niyakap si Oscar habang nangingiyak-ngiyak. " Papa huhuhu... ma-mabuti na lang at ligtas ka-kayong nakauwi huhuhu! "

" Nande naite iru no? Nani ga okatta? " nagtaka ito sa anak.

" Sa tingin ko po Papa nakita ko na ang serial killer na pumapatay dito sa Shikoku! Kitang-kita ko kung paano niya pinagsasaksak 'yung lalaki kanina huhuhu! "

" Ano?! Ano ba 'yang sinasabi mo? "

Sinabi ni Eriol sa kanyang tatay ang lahat ng kanyang nakita sa daan habang pauwi itong naglalakad. Hindi makapaniwala si Oscar na totoo nga ang tungkol sa serial killer na gumagala sa lugar kung saan sila nakatira.

Nang makapagpalit ng damit si Eriol ay pinuntahan siya ng kanyang tatay sa silid nito. " Oh, dinalhan kita ng gatas para makatulog ka... " iniabot nito ang isang basong may gatas sa anak.

" Salamat 'Pa, Papa... hindi ka ba natatakot dito sa lugar natin? "

" Anak, sa tingin mo ba tatagal tayo ng ilang taon dito sa Shikoku kung natatakot ako. "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon