" Happy Birthday Ms. Lucy! " sabi ng mga bata sa dalagang nasa kanilang harapan. Napangiti naman si Lucy nang marinig iyon. Sinimulan ng mga volunteers na papilahin ang mga bata papunta sa chapel ng Home of Arshey.
" Hindi ko po akalain na babatiin nila ako kaagad, " anito sa pastor na katabi.
" Sinabi po kasi namin na once na makita nila kayo ay i-greet kayo ng happy birthday hehehe, " masayang sagot ng pastor.
Ngumiti si Lucy. " Kaya pala, ano po pa lang mayroon at papunta ang mga bata sa chapel ngayon? "
" Ms. Lucy, maganda po kasing simulan ang celebrasyon ng inyong kaarawan kung magkakaroon ng isang misa. "
Napangiti si Lucy sa pastor na kausap. " Misa... "
" Wala naman po'ng problema roon Ms. Lucy? "
Actually mayroong problema roon. Hindi ako makakapasok sa chapel kung wala akong invitation niyo. Isa pa hindi makakatapak ang mga paa ko sa sahig ng chapel or church. Mabuti na lang at mahaba ang suot ko. Walang makakapansin na nakalutang ang mga paa ko roon mamaya. (Lucy)
" Opo, no problem Pastor Shin. Tara na at sumunod na tayo sa kanila nang masimulan niyo na ang misa, " nagsimula nang maglakad ang dalawa.
---
" Adrian, maiwan muna kita ha pupunta lang ako sa restroom. "
" Sige Resha hihintayin na lang kita rito sa cafeteria. "
Nang makarating ang dalaga sa restroom ay tinawagan nito si Mandy. " Hello Mandy napatawag ka? "
" Ms. Resha, pinatatanong po kasi ni Ms. Lucy kung ano'ng oras daw kayo makakapunta sa Home of Arshey mamaya. Hindi raw niya kayo makontak kaninang umaga. "
" Pasensya na lowbat kasi ang phone ko kanina saka hindi ko alam kung makakapunta kami ni Adrian sa Home of Arshey dahil ngayon ang Pre-Valentines Party namin dito, "
" Gano'n ba, pero puwede po ba'ng dito na lang kayo sa mansyon magpunta. Kasi sabi ni Ms. Lucy magcecelebrate rin siya rito sa gabi? "
" Ah, sige, tatawagan ko na lang siya mamaya kung ano'ng oras ako makakapunta d'yan. "
" Sige po, salamat. "
---
" Oh, Mr. Eriol, nandito pala kayo? " sambit ng dalaga matapos nitong makabalik sa cafeteria.
Hindi naman maipinta ang mukha ni Adrian ng mga sandaling iyon. Tila naiinis siya dahil kasama na naman nila ang kanilang bagong instructor. " Nakiupo ulit ako kasi wala na akong maupuan... "
Sus walang maupuan halos everyday ka nga naming kasabay kumain dito sa cafeteria. Tsk! (Adrian)
" Gano'n po ba, wala naman po'ng problema, " nakangiting sagot ng dalaga matapos makaupo.
" By the way, may party pala rito mamaya 'no? "
" Opo, Mr. Eriol, ngayon po kasi ang Pre-Valentines Party ng KNU. "
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...