(BACKSTORY)
"Seoul" 1998
" Henrik, sa tingin mo ba matutuwa ang lolo ko sa pasalubong natin sa kanya? " masayang pinagmamasdan ni Ruby ang mga bulaklak na ginawa nitong kuwintas na kinuha niya sa garden ng mansyon.
" Ah, hindi ko lang alam Ruby dahil galing naman sa garden 'yang mga bulaklak. Pero sigurado akong mahal na mahal ka niya kaya kahit anong gawin mo ay tatanggapin niya. "
Biglang idinantay ng dalaga ang ulo niya sa balikat ni Henrik. " Ito lang kasi ang naisip kong pasalubong sa kanya. Alam kong pagod siya sa biyahe niya mula sa America. Tingin mo ba, hindi niya ito magugustuhan? " naging seryoso ang boses nito.
Napangiti naman ang binata. " Huwag ka ng malungkot d'yan dahil mahal na mahal ka ng lolo mo kaya alam kong magugustuhan niya 'yan. Napakaganda nga ng kuwintas na ginawa mo. "
Bahagyang pinisil ng dalaga ang pisnge ng kanyang katabi. " Ikaw talaga, habal tumatagal marunong ka na ring mambola... " Tumayo ito bitbit ang mga bulaklak na ginawang kuwintas. " Halika na nga at hintayin na natin siya sa maindoor ng mansyon! Bilisan mo Henrik! " hila nito ang isang kamay ng binata habang nagmamadaling tumakbo.
" Kamusta naman po ang bakasyon niyo sa America? " saad ni Ruby habang kumakain kasama sina Maestro at Henrik.
" Ayos naman ako apo. Ikaw, kamusta na kayong dalawa ni Henrik? Balita ko ay palagi raw kayong magkasama ha, " nakangiti nitong pinagmamasdan ang dalawa habang kumakain.
" Ah, okay naman po kami. Marami na rin siyang alam lolo. Alam mo ba na marunong na si Henrik mambola? Hahaha! "
" Talaga? " napatingin ito sa binata na nasa kanyang kanan. " Totoo ba 'yun Henrik? Sabi ng apo ko marunong ka na raw mambola? Hahaha! " naghiwa ng steak ang matandang lalaki.
" Ma-mambola? Iyon po ba ang tawag sa pagsasabi na maganda ang isang bagay? " hindi alam nito ang kanyang sasabihin.
" Hahaha! Sinabihan mo ba'ng maganda ang apo ko? "
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampirON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...