" Nice meeting you," nakipagkamay si Chelsea sa lalaking kasama ni Eriol.
" Same to you Ms. Chelsea Young."
" So, pa'no hanggang dito na lang ako. Si Vincent na ang bahala sa'yo Ms. Chelsea, " ani Eriol habang nakangiti sa dalawa.
Ano ba'ng mayroon sa babaeng ito at binawi ni Patron ang naunang misyon na ibinigay niya sa akin. (Vincent)
Infairness, guwapo rin ang isang ito. May pagkakahawig sila ni Felix. (Chelsea)
" Hindi ka na ba sasama sa amin Eriol? " tanong ni Vincent sa katabi.
" Hindi na siguro. Si Ms. Chelsea na ang bahala sa'yo. Don't worry mabait naman siya, " Tinapik nito ang balikat ng kaibigan at nagpaalam na sa dalawa.
Nang makaalis si Eriol ay nagsimula nang maglakad sina Chelsea at Vincent. Hindi maiwasan ng dalaga na mapatingin sa binata. Pansin niya ang magandang tindig nito at katangkaran. " Ah... siguro kumain na muna tayo. Okay lang ba? "
" Kumain? Busog pa po ako Ms. Chelsea. "
" Hmm... h'wag mo na akong tawaging Ms. Chelsea masyado kasing pormal pakinggan. Tawagin mo na lang ako sa pangalan ko. "
" Sigurado po ba kayo? "
" Yeah. Anyways, napaliwanag naman siguro sa 'yo ni Mr. Nam 'yung tungkol sa magiging trabaho mo sa akin, " patuloy ang dalawa sa paglalakad.
" Yes, sabi niya gusto niyo raw matuto ng self-defense at ilan pang martial arts. Matanong ko lang, bakit niyo naisipan na magpaturo? "
" Ah, ka-kasi mahirap na walang alam sa pakikipaglaban. Alam naman natin na nag-eexist talaga ang mga halimaw dito sa ating bayan. I guess... I should learn something na magagamit ko para maipagtanggol ko ang sarili ko. "
" Sabagay, mahirap din kasing nakaasa palagi sa ibang tao para maproteksyonan. "
Iba ang isang ito kay Felix. How I wish na sana naging ganito rin si Felix sa akin sa tuwing nagkakausap kami. (Chelsea)
Sabi ni Eriol may hinala siya na may kinalaman ang babaing ito sa nangyaring pagpatay sa dalawang estudyante ng KNU. Mukha naman siyang mabuting tao. (Vincent)
Samantala, bumalik si Eriol sa quarters ng The SON upang tanungin ang dalawang miyembro ng grupo na inutusan nitong magmatyag kay Adrian ng nakaraang gabi.
" Hindi ko alam ang sinasabi niyo! Hindi ba't pinasusundan ko sa inyo ang Kitsune! "
" Oo nga, sinundan namin siya Eriol kaya nga nalaman na namin kung saan siya nakatira. "
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...