CHAPTER 163 " THE PAIN YOU NEVER KNEW " PART 1

771 35 3
                                    

" Nakita niyo ba si Patron? "

" Hindi eh, pero nagpunta yata sila sa pagdadausan ng pagsusulit para sa mga panibagong kasapi ng grupo. "

" Gano'n ba, sige salamat. "

Nang makaalis na ang lalaki ay biglang nagsalita ang isang miyembro ng grupo na kung tawagin nila ay Mayora. Siya ay isang babae na nasa edad singkuwenta pataas. Siya ang punong tagapayo ng kanilang pinuno na si Patron. Ang taong ito ay maraming alam tungkol sa mga nangyayari noon sa Changwon. Wala pang sinuman ang nakakakita ng kanyang mukha lingid kay Patron. Tanging bibig lamang nito ang makikita kapag siya ay nakakausap dahil natatakpan ng hood ang kalahati ng kanyang mukha. May suot siyang malakadenang kulay pilak na kuwintas at may titik na M upang maging simbolo ng kanyang katawagan bilang Mayora ng grupo. " Akala ko ba ay mayroon kang ibang misyon Vincent? "

" Mayora, nand'yan po pala kayo, " yumuko ang lalaki.

" Paalis na ako ng bigla kitang napansin. Nagtataka lamang ako at nandito ka ngayon sa ating quarters. Hindi ba dapat kasama mo ngayon itong si Chelsea Young? "

Paano niya nalaman ang tungkol sa aking misyon. (Vincent)

" Opo, kaya lang biglang sumama ang pakiramdam ni Chelsea Young kaya hindi na po kami natuloy ngayon. "

" I see, hmm... alam mo ba parang pamilyar sa akin itong si Chelsea Young. "

Nagtaka si Vincent sa kanyang narinig. " Po? "

" Nang maikuwento sa akin ni Patron ang tungkol sa iyong panibagong misyon ay naging palaisipan sa akin ang pangalan ng babaing iyon. Sa tingin ko siya ang kaisa-isang anak ni Dr. Martin Young na kilalang businessman at doctor dito sa Changwon. "

" Opo, iyon din ang sinabi ni Eriol sa amin ni Patron. "

" Hindi nasabi sa akin ni Patron kung ano ang mayroon sa babaing iyon at kung bakit niyo siya iniimbestigahan. Maaari ko bang malaman ang dahilan? "

" Paumahin po Mayora ngunit hindi ko po maaring sabihin sa inyo ang dahilan. "

Napangisi ito. " Sabagay, nasa batas nga pala ng grupong ito na hindi maaaring pakialamanan ng kahit na sino ang isang misyon na ibinigay sa atin unless may pahintulot mula kay Patron. "

" Gano'n na nga po. "

" Sa pagkakatanda ko Vincent ikaw daw ang bumuo ng grupong ito rito sa Changwon. Galing ka sa Europe at roon ka nag-aral ng tungkol sa mga supernatural beings at ilan pang mga bagay tungkol sa kababalaghan dito sa ating mundo. Tama ba ako? "

" Opo. "

" Kung gano'n bakit si Patron ang namumuno sa The SON at hindi ikaw? "

" Dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya. Siya ang kauna-unahang nagtiwala sa akin bago ko pa makilala si Eriol. "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon