" Kanina ko pa napapansin na tila malalim ang iyong iniisip, " nakaupo si Maya sa isang malaking bato habang nakatingin kay Henrik.
Napalingon ang binata. " Pasensya ka na Maya. "
" Marahil iniisip mo ang taong minamahal mo Henrik. "
" Hindi naman sa gano'n, siguro naninibago lang ako dahil hindi ko sila nakakasama. "
Tumayo si Maya at naglakad papunta sa binata. " Nandito ka na ngayon sa Alfeia. Sana matupad mo ang ipinangako mo'ng pagbawi nito kay Veldrin. "
" H'wag kang mag-alala dahil hindi ko nalilimutan ang mga ipinangako ko. Babawiin ko ang Alfeia kay Veldrin. Bibigyan ko ng hustisya ang kamatayan ng aking mga magulang at papalayain ang lahat ng dyardalis na bihag niya. "
Tumalikod ang dalaga at nagsimula nang maglakad. " Halika na...mahaba pa ang tatahakin natin papunta sa mapaglarong kagubatan ng Miz 'Ah Calla. "
" Maya... "
Napahinto ito sa paglalakad. " Bakit? "
" Kanina pa tayo naglalakbay, hindi pa ba tayo kakain? Nagugutom na kasi ako. Ikaw ba hindi ka ba nagugutom? " tumunog ang nag-aalburutong sikmura ni Henrik.
Napangiti naman si Maya. " Malapit na tayo sa isang batis. Doon na tayo manghuli ng kakainin. "
---
" Panginoong Veldrin, hindi pa rin po namin nahahanap ang nakawalang dyardalis, " yumuko ang isang tagapaglingkod nito.
" Hindi maaaring mawala ang babaing iyon! Hindi maaaring mangyari ang sinabi sa propesiya! " galit na sagot nito at napatayo sa kanyang trono.
" Halos nahalughog na po namin ang silangan at kanluraning bahagi ng Alfeia. Hindi po kaya patay na ang babaing iyon Panginoong Veldrin. "
" Mabuti sana kung gano'n dahil kung hindi malakas ang tsansang mangyari ang nakasaad sa propesiyang sinasabi ng huklubang dyardalis, " mariing pahayag nito.
(FLASHBACK)
Habang nakagapos ang kamay at paa ng isang matandang lalaking dyardalis. " Kahit kailan hindi mapapasa'yo ang Alfeia... dahil hanggat may naniniwalang magbabalik ang tunay na tagapagmana. Hindi isang tulad mo ang hihirangin naming pinuno... "
Sinampal ni Veldrin ang matanda. " Ano'ng pinagsasasabi mo d'yan! Hindi mo ba nakikita na ako na ang hari ng Alfeia ngayon. Nakaluhod na kayo sa akin at sinasamba ako! "
Ngumisi ang matandang dyardalis. " Hindi nakasaad sa propesiyang nalalaman ko ang sinasabi mong ikaw ang maghahari sa buong Alfeia. Marahil ikaw nga ang nasa trono ngayon dahil sa pagpatay mo sa aming mga pinuno. Pero si Prinsipe Henrik pa rin ang magiging tunay at karapat-dapat na hari ayon sa propesiya... "
Nakaramdam ng pagkagalit si Veldrin sa sinabing iyon sa kanya. Kinuha niya ang isang punyal na nasa tagiliran ng isa nitong alagad. Mabilis niyang sinaksak ang matandang dyardalis sa dibdib nito. " Puwes, hindi mo na makikita pa ang sinasabi mo'ng magiging hari dahil ngayon pa lang papawiin ko na ang liwanag ng iyong buhay. Ahhh!!! " hinugot nito ang nakabaong punyal. Nagliwanag ang dibdib ng matanda at unti-unting naglaho ito na parang mga bulang kulay dilaw sa ilang iglap.
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...