" Akala ko naman ay kung ano na ang nabasa mo d'yan sa aklat ng mahika, " sambit ni Lucy matapos nitong yakapin ng kaibigan.
" Pasensya ka na nadala lang ako ng emosyon ko, " ngumiti si Resha habang nagpupunas ng kanyang mga mata.
" Anong klaseng babala ba ang nakasulat? "
" Ah, ang sabi lang naman ay mag-ingat tayo... " pagsisinungaling na sagot nito. Hindi niya sinabi ang totoo sa kanyang matalik na kaibigan. Hindi niya alam kung paano ipagtatapat ang totoong mensahe ng aklat na siya ang napili ni Odeth upang saniban nito balang araw para sa kanyang pagbabalik at paghihiganting gagawin sa mga bampira.
" Gano'n lang? Tapos umiyak kna agad-agad at nagpasalamat sa akin? Hahaha! " napailing-iling si Lucy habang nangingiti ito.
Tumango si Resha bilang kanyang pagsang-ayon. " Lucy, maiba lang ako nakadalaw ka na ba ulit sa puntod ng iyong ama? "
" Ha? Hindi pa, bakit? "
" Wala lang, dati kasi madalas mo siyang maikuwento sa akin at sabi mo nakakausap mo ito sa panaginip. Wala ba siyang pahiwatig ngayon sa iyo kung ano ang mga posibilidad na puwedeng mangyari? "
Patuloy sa ginagawang pagpupunas ng mga pinaghugasan ang dalaga. " Hmm, hindi naman siya nakakakita ng visions eh. Saka kung makausap ko man siya sa panaginip ko. Puro pangaral naman ang sinasabi niya. Alam mo 'yun lagi niyang sinasabi na huwag kong ilagay ang hustisya sa aking mga kamay. "
" Ah, gano'n ba, akala ko naman ay nagbibigay din siya ng mga babala sa 'yo about sa hinaharap o mga posibilidad na mangyari sa 'yo hehehe! "
Mabuti naman pala kung gano'n. Mas mabuti nang hindi malaman ni Lucy ang katotohanan about sa mensahe ng aklat ng mahika sa akin. Ayaw kong maging magkalaban kami ng aking kaibigan balang araw. Siguro naman ay mayroon pang paraan para mabago ko ang lahat. (Resha)
" Pero alam mo Resh balak ko sanang bilin 'yung lupa kung saan kami nakatira noon dati. "
" 'Yung dati niyong bahay dito sa Changwon? "
Tumango si Lucy bilang pagsang-ayon nito. " Mahalaga kasi sa akin ang bahay na 'yon. "
" Hindi kaya masaktan ka lang Lucy kasi maaalala mong lahat ang mga nangyari sa inyo noon. Nakuwento mo sa akin ang mga pinagdaanan mo after ng lahat. Sigurado ka na ba d'yan? "
" Kahit naman wala ako roon naaalala ko pa rin ang lahat ng nangyari sa amin. Nakapublic auction pa rin naman ito till now kaya puwede ko pa ring makuha, " masayang tugon nito.
" Okay, ano ba'ng balak mong gawin if ever na makuha mo ito? "
Nagpunas ng mga kamay ang dalaga. " Sa ngayon, wala pa akong naiisip basta gusto ko lang makuha iyon kaysa naman iba ang makinabang. "
" Kapag nakuha mo 'yun paano kung malaman ng mga d' Ultima? Hindi kaya magtaka sila? "
" Naisip ko na rin 'yan pero sa amin 'yun ng pamilya ko eh. Ang alam lang ng lahat ay walong taon ng patay ang pamilyang nakatira roon kaya ganon ang nangyari. Kukunin ko lang naman 'yung para sa amin. Kukunin ko lang 'yung pagmamay-ari ng pamilyo ko. "
" Sabagay may point ka naman dahil sa inyo naman talaga 'yun. Kaya lang walang nakakaalam na buhay ka pa. "
-----
BINABASA MO ANG
OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful Hearts
VampireON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy sa lugar kung saan pinatay ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang nalalaman ang katotohanan sa malagim...