CHAPTER TWENTY THREE

503 32 67
                                    

Cris

"Nasabi mo na ba kay kuya?"

Napatigil ako sa pagtitig sa kawalan nang magtanong si Cassy.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala lumilipad ang isip ko.

Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin alam kung paano sasabihin kay Alex ang lahat.

"Hindi pa, pero pag nakakuha ako ng tamang pagkakataon sasabihin ko agad."

Pero hindi ko pa masabi kung kailan ang tamang panahon na yun.

Matapos sabihin sa akin ni Alex ang hiling niya, hindi ko alam kung paano ko pa sasabihin sa kaniya na kami na ulit ni Cassy.

"Hindi mo naman kailangan magmadali, kailangan ka pa ni kuya kaya ayos lang kahit patago muna tayo." saad ni Cassy at inihilig ang kaniyang ulo sa aking balikat.

"Tulad lang rin noon, secret relationship." malumanay kong saad

Hanggang ngayon, patago pa rin ang relasyon namin. Tulad lang rin dati. Ganitong ganito rin ang dahilan kung bakit kami nagkalabuan noon.

"Hanggang kailan mo ba ako itatago?" tanong ko

"Gusto ko nang ipagsigawan sa mundo na akin ka," marahan kong hinalikan ang tuktok ng kaniyang ulo.

Hanggang kailan ba kami magiging ganito?

Hanggang kailan ba ang taguan na 'to?

Inangat niya ang kaniyang ulo at marahan na hinawakan ang aking pisngi.

"I'm all yours Cupid, hindi nga lang pwedeng ipagsigawan ngayon pero darating din tayo dun." saad niya at matamis akong nginitian.

"Kailan pa Sandra?" tila ba isang dayuhang salita ang kaniyang pangalan nang ito ay banggitin ko.

Sandra.

Xandra.

Dalawang magkatunog na pangalan.

Iisang letra lang ang pinagkaiba.

Pero parehas na nagpapagulo ng isipan ko.

"Pag maayos na ang lahat," saad niya

Kailan ba maaayos ang lahat?

"Bakit ba kasi kahit anong gawin ko parang di ko pa rin maipakitang karapat-dapat ako para sayo?"

Tulad noon, ito na naman ako naghahanap ng paraan para maipakita sa lahat na ang isang Crisostomo Cupid Navarro ay nababagay para sa isang Cassandra Marquez.

"Karapat-dapat ka naman para sa akin Cupid." sa tono ng kaniyang boses para bang unti-unti rin akong napapaniwala na karapat-dapat nga ako sa kaniya. Kahit na alam kong malayo ito sa katotohanan.

Ilang minuto kaming nanahimik hanggang sa basagin niyang muli ang katahimikan.

"Kung nahihirapan ka na, pwede ka namang makipag-ayos sa daddy mo or bumalik ka na sa trabaho mo sa company ni daddy." saad niya

Ito ang isa sa mga bagay na ayoko sanang marinig mula sa kaniya.

Bakit ba lagi na lang itong naipapasok sa usapan namin?

"Alam mo namang hindi na ko pwedeng bumalik sa tatay ko at hindi ako pwedeng bumalik sa kumpanya ng daddy mo hangga't wala akong napapatunayan."

Bakit ba hindi niya ako maintindihan?

"Paano mo gagawin yun?" tanong niya

Bakas sa tono ng pananalita niya ang pagdududa.

Pero pinili kong hindi na lang magsalita, ayokong pagmulan pa ito ng di namin pagkakaintindihan.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon