CHAPTER THIRTY

325 32 20
                                    

Cris

"Totay!" agad akong naalimpungatan dahil sa malalakas na katok sa pintuan ng kwarto ko.

"Totay gising na!" gustuhin ko mang wag pansinin kung sino man ang kumakatok at magpatuloy sa pagtulog ay hindi na pwede dahil nagmagandang loob na silang pumasok sa kwarto ko at hilain ako paalis ng kama.

Agad ko namang naramdaman ang pagsakit ng pwetan nang tumama ito sa sahig.

Pero sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ay parang nawalan na ko ng ganang pumalag at mag-react sa sakit na nararamdaman ko.

Kaya hinayaan ko na lang rin na manapitili akong nakahiga sa sahig.

"Totay tulungan niyo naman po kami," hindi pa man ako dumidilat ramdam ko na ang humahabang nguso ni Xia habang pinipilit akong gisingin.

"Totay gising ka na please," saad ni Josh at marahan akong tinapik sa pisngi.

"Ay ayaw mong gumising Totay, ah?" rinig kong saad ni Xia bago nila ako pagtulungan na kilitin ni Josh.

"Oo na, gigising na" saad ko sa pagitan ngbakingbpagtawa dahil sa pagkiliti nila sa akin.

"Maghilamos ka muna po Totay," saad ni Xia at tinulungan akong bumangon.

"Mag-toothbrush na rin po kayo, nangangamoy na eh," dagdag naman ni Josh habang inaabot sa akin ang aking toothbrush.

Pabiro naman akong naggalit-galitan at dahan-dahang lumapit para kilitin sila.

"Totay stop na po," ani ni Xia sa pagitan ng kaniyang pagtawa

"Totay tama na po," maging si Josh ay patuloy lang rin sa pagtawa.

Nagpatuloy lang kami sa pagkukulitan hanggang sa pare-parehas na kaming nakaramdam ng pagod at bumagsak sa kama.

Marahan ko silang niyakap.

Sa daming nangyayari sa buhay ko, nakalimutan ko na ata kung gaano kasaya na silang dalawa lang ang iniisip ko.

Nakaka-miss din yung mga panahong ang tanging iniisip ko lang ay kung itlog, hotdog at sinangag ba o noodles, pancake at itlog ang iluluto ko para sa almusal naming tatlo.

Simula kasi nang paghiwalayin ng tatay ko sila ate Athena at ang kaniyang asawa, kami na lang ng mga bata ang lahing magkasama.

Parang mga anak na rin ang turing ko sa kanilang dalawa.

Hanggang sa hindi na nga umuwi si ate at nangako na lang siya na magsasama ulit sila ng mga bata kapag kaya na niyang buhay ang mga ito.

Kaso nga lang, bumalik si ate sa puder ng tatay namin at dun ko na nga kinakailangan na tumayong tatay nila.

"We love you Totay," sabay nilang saad at mas hinigpitan ang pagyakap sa akin.

"I love you, too" sagot ko at hinalikan ang kanilang mga noo.

Napalingon naman ako sa may pintuan nang marinig ko ang tunog ng camera.

"Akala ko ba gagawa tayo ng project niyo ha?" sabi ni Alex nang makita niyang nakatingin na kaming tatlo sa kaniya habang hawak-hawak niya ang polaroid camera na iniregalo ko kay Xia noong pasko.

"Si Totay po kasi ang kulit," sagot naman ni Xia at lalo pang dumantay sa akin.

"Ayaw pa po kasing gumising ni Totay, pakibuhat nga po," pakiusap naman ni Josh at dinaganan pa ko lalo.

Para na kong sandwich nito. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng hotdog na naiipit sa dalawang tinapay.

Agad namang lumapit sa amin si Alex.

"Kamay ko. Abutin mo yung kamay ko." utos niya at inabot sa akin ang kamay niya.

Hirap na hirap naman akong abutin ito dahil nga nagpapabigat pa ang mga batang nakadantay sa akin.

"Ano ba yan Totay ang weak mo naman po," pang-aasar ni Josh

"Lapit na lang po kayo," suhesyon naman ni Xia kaya mas lalo pang lumapit si Alex sa amin.

Nang maabot ko ang kamay niya ay ginamit ko ang lakas ko para makabangon.

Kaso sabay na tumayo ang mga bata at itinulak si Alex.






Sabay kaming bumagsak sa kama habang nakapaibabaw siya sa akin at nakayakap ako sa kaniya.

Ilang saglit kaming nagkatinginan.

"Good morning," tanging saad niya

Sa sobrang lapit naming dalawa, isang maling galaw ko lang ay mahahalikan ko na siya.

Naalala ko tuloy ang nangyari sa party ni Karylle.

Kung hindi masamang magkunwaring boyfriend niya sa gabi, siguro naman hindi rin masamang magkunwaring sa kaniya ngayong umaga.

Tila ba naglaho ang ingay sa paligid. Nawala sa aking pandinig ang tawanan ng mga bata pati ang tunog ng camera.

At ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso kong sinasabi na ito ang tama.


Dahan-dahan kong inilapit pa lalo ang aking mukha sa kaniya habang sa maglapat ang aming mga labi.



Kahit ngayon lang. Kahit kunwari lang.

Uumpisahan ko ang umagang ito na sila ang kasama.

Ang mga batang itinuturin ko nang mga anak at ang taong minahal ko kahit hindi naman nararapat.



Ngayon alam ko na ang gusto ko.


Gusto kong gumising sa umaga na siya ang nasa tabi ko.

Gusto ko siya.

Gusto ko si Alex.

Ngayon aaminin ko na sasarili kong mahal ko na si Alex.
















Author's Note:

Sa totoo lang busy talaga ako this week kaso may mga maiingay sa twitter jusme HAHAHAHAHAHA

Kaya bilang natuwa naman ako sa inyo, ito na yung update na hinintay niyo. 😂

Vote and leave comments pampagana HAHAHAHAH

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon