CHAPTER NINETEEN

295 28 15
                                    

Cris

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko bago tuluyang imulat ang mga ito.

Parang umiikot ang paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako.

Sasakyan? Nasa sasakyan ako. Kaninong sasakyan?

"Akala ko kakailanganin pa kitang buhatin para maipasok ka sa bahay." saad ng taong nasa tabi ko

Agad ko siyang nilingon.

"Alex?" tanong ko ng makita ko ang taong nasa manebela

"Bakit may iba ka pa bang inaasahan?" taas-kilay niyang tanong

Napahawak ako sa ulo.

Oo nga pala, siya nga pala yung tinext ko para sunduin ako.

"Sorry," saad ko

"Para saan?"

Para sa paghalik ko sayo.

Yun ang mga salitang gusto kong sabihin pero di ko magawa.

"Wala, kalimutan mo na yun."

























































Nakakabasag ng tenga ang katahimikang bumabalot sa amin.

Mula sa pagpasok namin sa bahay, wala ni isa sa amin ang nagsasalita.


"Balak mo ba talaga akong buhatin kanina?" pagbasag ko sa katahimikan

"Balak kitang iwan sa sasakyan kanina." natatawa niyang saad

Inabot niya sa akin ng tinimpla niyang kape.

"Bakit kasi di mo na lang ako ginising agad?" tanong ko

"Tulog na tulog ka kasi." tinignan niya ko sandali bago niya ininom ang kanyang kape "Pasalamat ka, ako nakakita sayo kundi baka napahamak ka na." seryosong saad niya

"Paanong mapapahamak?" kunon-noo kong tanong

Binigyan niya ako ng tingin na makahulugan.

Yung tingin na nagpapakaba sa akin.

Bakit ba pakiramdam ko may ibang plano 'to?

"Hoy! Ayoko ng mga tingin mo na yan!" saad ko at tinuro ang ngiti niya

Nakangiti siyang lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Bakit? Totoo naman ah, lasing na lasing ka, halos nga matulog ka na sa kalsada,"  tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "In other words isa kang biyaya." saad niya at kinindatan ako.

"Wala namang nangyari diba?" tanong ko

"Gusto mo bang meron?"

Napalunok ako sa tanong niya.

"Pwede naman." sagot niya at unti-unting binubuksan ang butones ng kaniyang damit.

"Hoy! Wag kang maghuhubad!" saad ko at medyo itinulak siya palayo sa akin.

"Why?" nakangisi niyang tanong habang tinatanggal ang pang itaas niya

Put-

"Sabing wag!" sigaw ko habang tinatakpan ang aking mga mata.

"Sige na, masyado ka nang OA."

Nak ng teteng yun lang sasabihin niya matapos akong ma-high blood sa paghuhubad niya sa harap ko.

Inayos niya ang damit niya at bumalik sa pag-upo.

"So tell me, anong dahilan mo bakit nagpakalasing ka?"

"Long story," napakamot ako sa batok ko.

Paano ko ba sasabihin na nagpakalasing ako dahilginugulo nilang magkapatid ang utak ko?

"Nasa bahay kita at marami tayong oras, kaya sige na, ikwento mo na yan." nakangiti niyang saad

Matagal ko siyang tinitigan, iniisip kung paano ko ba sasabihin sa kanya dahil mukhang interesado talaga siya at wala akong kawala.

Huminga ako ng malalim at tinignan ang hawak kong mug bago sabihin sa kanya ang katangahan ko.



"May nakilala kasi ako, hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman, pakiramdam niya in love siya. Pero di niya sigurado kung kanino."

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na siya ang pinoproblema ko.

"Paanong di niya alam kung kanino?" kunon-noo niyang tanong, halatang interesado sa kwento ko.

"May dalawang tao kasi na malapit sa kanya. Parehas silang nagpaparamdam sa kaniya," tinignan ko siya para makita ang magiging reaksyon "Alam mo yun, yung parang pinaparamdam sa kaniya na may gusto sila sa kaniya."

"Sino bang mas gusto niya sa dalawa?" tanong niya

Sino nga ba?



Sino nga ba ang gusto ko?




"Yun ang hindi niya alam."

Tumanga-tango siya sa aking naging kasagutan.

"Sino ba yang kakilala mo na yan huh?" muling tanong niya

"Ah, ano, si Jian. Nakilala ko siya bago kita puntahan nung nakaraan."

Nakakahiya tong ginagawa ko. Dinamay ko pa talaga si Jian sa problema ko.


"Jian? Ganun ka ba ka-hook sa problema niya kaya napainom ka ng ganyan kalala?" taas-kilay niyang tanong

"Oo?" sagot ko na para bang nagtutunog tanong

"Oo syempre bata pa kasi yun tapos ganun na agad yung problema niya." muli kong saad bago pa ko mabuko ni Alex.

"Tsaka ako na ang inom para sa kanya, bawal pa ang alak sa batang yun."

"Napakabait mo naman," nakangiti niyang sabi.

Ilang minuto rin kaming nagtitigan bago ako nagkalakas ng loob na itanong sa kanya ang isa sa gumugulo sa isipan ko.

"Bakit nga pala ayaw mo kong maging kaibigan?"

Sandali siyang nag-iwas ng tingin.

"Hindi mo pa rin ba naiintindihan?" tanong niya bago ako muling tignan.

"Gusto kita."



"Ayaw kong maging magkaibigan tayo kasi mas gustong mas maging higit pa tayo dun."


























































Author's Note:

Hi! What's up? Musta kayo?

Sorry na kung natagalan promise di na mauulit.

Nagkaroon na ata kayo ng jowa sa tagal kong mag update

HAHAHAHAHAHAHAH

By the way, vote and comment na for another ud HAHAHAHAHAH

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon