CHAPTER FORTY-SEVEN

280 25 25
                                    

Hindi niya alam kung anong oras na o kung nasaan siya. Basta ang alam niya lang sobrang sakit ng ulo niya at wala siyang balak bumangon sa napakalambot na hinihigaan niya.

Wala rin siyang balak na tanggalin ang kamay at paang nakadantay sa kaniya na dahilan kung bakit mas kumportable siya.

Mas siniksik niya pa ang sarili niya sa leeg nito at hinigpitan ang yakap niya.

HINIGPITAN ANG YAKAP NIYA?!

KAMAY AT PAANG NAKADANTAY SA KANIYA?!

LEEG NA NGAYON AY NAAAMOY NIYA?

Napabalikwas agad siya ng bangod nang ma-realize niya ang sitwasyon niya.

Dahil dito ay agad na gumalaw ang katabi niya at nakuha pang magtalukbong.

Tinignan niya ang paligid, nasa sarili niyang bahay siya. Kama niya ang hinihigaan niya pero hindi siya sigurado kung sino ang katabi niya.

Tinignan niya ang damit niya at napansin niyang iba ito sa suot niya kagabi. Sa tingin niya ay polo ito ng katabi niya ngayon.

Kinapa niya ang pang ibaba niyang damit at dun niya napatunayan na tama ang hinala niyang underwear niya lang ang suot niya ngayon.

Pilit niyang inaalala kung anong nangyari kagabi. Pinipilit niya ring alalahanin kung sino ang kabati niya ngayon.

Pero wala siyang maalalang lalaking nakakulay puting polo sa party kagabi.

Hindi niya rin maalala kung may inuwi nga ba siyang lalaki kahabi at kung may nangyari ba sa kanila.

Pero ang naaalala niya ay ang panaginip niyang pumunta si Cris sa party at niyakap siya. Nag-asaran at biruan pa sila bago siya nito hinalikan. Yun lang ang naaalala niya.

At kung sino man ang katabi niya ngayon, sa tingin niya ay ginamit ang kahinaan niyang yun kaya sila magkasama ngayon.

Dahil dito au inis niyang tinadyakan ang katabi niya na akma nang mahuhilog sa kama nang bigla siyang higitin nito. Kaya dalawa silang nalalag sa kama.

Nakapaibabaw ka nga siya kay Cris.

CRIS?!

Kinusot niya ang kaniyang mga mata. Hindi makapaniwala sa nakikita niya.

Si Cris ang lalaking katabi niya kanina at ngayon ay dinadaganan na niya.

"Ang aga-aga pa Alex, nananakit ka na." nakapikit na saad nito.

"Pinagod mo ko kagabi," muling ani nito at niyakap siya.

Wala nang kumot na nakatakip dito kaya mas nakita niya ang kabuuan ni Cris.

Ngayon niya lang napansin na wala pala itong damit pang itaas at tanging boxers niya lang ang suot niya.

Ano bang nangyari kagabi?

"Hoy, bumangon ka nga," saad niya at pilit ring bumabangon pero napakahigpit ng yakap sa kaniya ni Cris kaya hindi niya magawang bumangon.

"Mamaya na," bulong naman nito at hinahaplos pa ang likod niya.

"Bumangon ka na," pagpilit niya.

Panandalian itong dumilat at ngimiti sa kaniya.

"Good morning," nakangiti nitong bati at hinalikan siya.

Nang matapos yun ay agad siyang bumangon at tinignan si Cris.

Nakangiti lang ito sa kaniya at prenteng nakahiga sa sahig.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" tanong niya.

Umupo na siya sa kama habang tinitignan pa rin si Cris. Hindi siya makapaniwala na nasa kwarto niya talaga ito ngayon.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon