CHAPTER THIRTY-EIGHT

365 16 16
                                    

Cris

Hindi ko alam kung narieinig na ba ni Alex ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko sa sobrang lakas nito dinadaig na niya ang tugtog na bumabalot sa kwartong to.

"Totohanin na natin 'to, Alexander Perez," nakangiting ani ko kasabay ng paghina ng tugtog at pagbigay ko ng mga rosas kay Alex.

Ilang sandali niya akong tinitigan na para bang hindi niya narinig ako sinabi ko.

Kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko kanina, mas lalo pa itong lumakas ngayon.

Aminado naman akong hindi talaga ako kagalingan pagdating sa ganitong bagay.

Hindi ako magaling sa mga surprise. Kaya nga naglakas-loob akong humingi ng tulong kay Jian.

Hindi rin ako ganoon karomantiko. Pero para kay Alex handa akong gawin lahat.

Hindi ko hilig ang pagpunta sa mga ganitong pagtitipon. Hindi ako mahilig sa party. Pero dahil gustong-gusto ko nang sabihin kay Alex kung anong nararamdaman ko, minabuti ko nang pumunta ngayon dito at ngayon rin ay umamin na.

Para siguro sa iba, napakasama ko. Sino ba namang lalaki ang aamin agad sa taong gustong-gusto niya sa mismong araw na nakipaghiwalay sa kaniya ang girlfriend niya? Sino ba namang matinong lalaki ang magkakagusto sa kapatid ng girlfriend niya?

Aminado naman akong sa paningin ng iba mali ito, kahit para sa akin alam kong mali ito. Pero anong magagawa ko? Nagmamahal lang naman ako.

Pinilit kong pigilin. Ilang buwan ko ring itinanggi sa sarili ko. Ilang beses kong sinabi na mali ito. Maling mahalin ko si Alex.

Para sa akin trabaho lang naman to. Ginagawa ko lang to para sa pera. Ginagagawa ko lang to dahil sa kontrata. Ginagawa ko lang to para may ipangpaaral ako sa mga pamangkin ko. Pero lahat ng yun ay noong una lang, dahil ngayon iba na.

Lahat ng ito ginagawa ko dahil gusto ko. Dahil gusto ko na si Alex.

Mahal ko na si Alex.

"Ano?" tanong niya at ramdam ko ang pagkalito niya sa pangyayari.

Siguro nga naguguluhan siya ngayon. Parang noong nakaraan lang kami pa ng kapatid niya tapos ngauon sasabihin kong gusto ko nang totohanin namin kung anong meron kami.

"Mahal kita, Alex." saad ko at kinuha ang kaniyang kamay para ilapat sa aking dibdib.

Gusto kong maramdaman niya kung gaano kalakas ang tibok ng puso kong siya lang ang gusto.

"Mahal kita. Hindi dahil sa pera. Hindi dahil sa kontrata. Kundi dahil mahal talaga kita." tinignan niya lang ako at nandun pa rin ang duda.

"Alam kong nakakabigla to. Alam kong mali rin to. Bakit ko nga ba sasabihin sayo to matapos ang relasyon namin ni Sandra. Pero wala eh, pinilit kong hindi maramdaman to pero kahit anong pilit ko, mahal la rin kita." saad ko kasabay ng pagtulo ng luha niya.

Agad ko naman ito pinunasan.

"Hindi mo naman kailangan na sagutin ako agad. Hindi ako nagmamadali, handa akong maghintay." mahigpit ko siyang niyakap kasabay nito ay ang pahagulgol niya.

"Uy baka sabihin nila pinaiyak kita," biro ko at narinig ko ang munting pagtawa niya.

"Hindi ako nagmamadali, hihintayin kita." muling saad ko at muling pinunasan ang mga luha niyang patuloy sa pagtulo.

"Baka naman naaawa ka lang sa akin." pagkakataon ko naman upang tignan siya, naguguluhan ako kung saan niya nakuha ang idea na yun.

Bakit ko naman siya kaaawaan?

"Mahal kita. Wala nang ibang dahilan." tanging saad ko bago niya tuluyang angkinin ang aking mga labi.




Wala siyang kasagutang sinabi pero sapat na sa akin ang mga labi niya upang malaman na parehas kami ng nararamdaman.

















"Crisostomo Cupid Navarro, I lo-" hindi na natapos ang kaniyang sasabihin nang tumawag si Jian sa akin.
















"Kuya Cris, CODE RED!" mariing saad niya at rinig ko ang isang lalaking napahiyaw sa sakit sa background niya at tumakbo na ko papunta kung saan siya naroroon.












Author's Note:

Merry Christmas! I mean advance Merry Christmas!

Musta? I want to know your thoughts kaya VOTE and COMMENT na.

Tingin niyo bakit may pag CODE RED si Jian?

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon