CHAPTER THIRTEEN

637 30 41
                                    

Cris

One week.

One week na nila akong di kinakausap.

Sabi nung isa gusto niya pa rin daw ako, pero hindi naman niya ko kinakausap ngayon. Yung isa naman, mahal daw ako, hinalikan pa ko! Pero hindi rin naman ako kinakausap.

"Nakakainis!" sigaw ko

Pinagtitinginan lang ako ng mga katulong at hardinero dito na nag-aagahan sa tabi ng pool.

Walang kumakausap sa akin na kahit sino. Nakakainis!

Yung mga bata, sinama ni mommy Amy sa Tagaytay para sa Christmas vacation nila. Si daddy Joey naman nasa business trip. Si Alex may trabaho daw siya ngayon sabi ng mga katulong nila. Hindi ko nga sigurado kung totoo yun o iniiwasan niya lang ako.

Si Sandra lang ang kasama ko ngayon dito. Kasama ko nga pero iniiwasan rin naman ako.

"So bakit ka naiinis?" taas-kilay na tanong ni Sandra.

Bakit ba pabigla-bigla na lang siyang nagsasalita?

"Bakit ka nanggugulat?" balik na tanong ko.

"You don't look shocked at all." nakangiti niyang sabi

"Pwede ba tigilan mo sa ngiti mong yan?" bulong ko

Yung ngiting yan nakakahulog. Hindi ko dapat makita yan pero bakit ang sarap titigan?

"Why? What's wrong with my smile?"

Putcha narinig!

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya baka kasi namumula na ang mukha ko sa hiya.

"Na-in love ka na naman?" biro niya at sinundot-sundot pa ang tagiliran ko.

Marahan naman akong umiling bilang sagot.

Hindi.

Hindi niya dapat malaman na OO nahuhulog na naman ata ako sa mga ngiti niya.

"Ngayon hindi pa. Pero sisiguraduhin kong mahuhulog ka ulit sa akin." saad niya at kinindatan pa ako.

"Paano?" nakangiti kong tanong

Hindi ko alam pero di ko mapigilan na ngumiti dahil sa mga sinasabi niya.

"I'll court you." determinado niyang sabi.





"Saan mo ba kasi ako balak dalhin?" tanong ko habang dahan-dahang naglalakad.

Sobrang hirap palang maglakad ng may piring sa mata. Ewan ko ba kasi dito kay Sandra, may ganito pa siyang pakulo.

"Wait for it. Wag kang atat." sabi niya habang inaalalayan ako.

"Baka madapa ako." saad ko at mas maingat na naglakad ng maramdaman kong pababa kami ng hagdan.

"If you fall, I'll catch you." sagot naman niya at mas hinigpitan ang hawak sa mga kamay ko.

Natuto nang magpakilig ang isang to.

Ilang hakbang lang naman ang hagdan na dinaanan namin at tingin ko huling hakbang na yun dahil huminto na kami sa paglalakad.

Naramdaman kong nawala si Sandra sa tabi ko. Pero hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. Tingin ko nasa harapan ko siya.

"Pa-fall!" sigaw ko nang bigla niya kong hilain papunta sa kanya dahilan para mapayakap ako sa kanya.

Nakakabakla 'to.

Putcha! May isang hakbang pa palang natitira kaya pala pumunta siya sa harapan ko para lang gawin yun.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon