CHAPTER FIVE

825 37 2
                                    

Xandra
Nakakalokang week! Haggard-do Versoza na ko dahil sa hectic na schedule ko. Rampa dito, rampa doon. Nakakapagod! Buti na lang bukas wala akong ganap.

Bumaba muna ko para uminom ng tubig. I need water para maging refresh tapos beauty rest para fresh.

"Sungit!" pagtawag sa akin ni Antipatiko.

Napaka- antipatiko talaga niyan! Nakakairita! Kinuha kong jowa, fully paid na, may bonus pang kasama pero wala namang sweetness na pinapakita.

Isang linggo na mula nung kinuha ko siya, pero kahit isang beses hindi man lang ako pinakilig. Sungit pa ang tawag sa akin.

"Oh? Antipatiko." sabi ko sabay irap.

Haggard ka na nga, tapos pag siya yung kasama mo, mas magiging haggard ka.

Lumapit sa 'kin si Antipatiko. Hinawakan niya yung kamay ko.

Parang kanina lang. Nanginginig yung kamay ko dahil sa galit sa anak ni nanay at dahil na rin sa takot na baka mapahamak si nanay at pati na rin siya. Kargo de konsenya ko pa yan pag nagkataon. Pero nung hinawakan niya yung kamay ko, nawala na lahat ng yun.

"Salamat sa ginawa mo kanina. Dahil dun, hindi na kita tatawaging sungit. From now on, ikaw na si Alex. Alex ko. Girlfriend ko."nginitian niya ko. Oo na kinilig na ko, ng beri beri light.

Pero napaka- antipatiko talaga! Ang ganda na eh! May paghawak sa kamay, may pagsabi ng 'Alex ko' at 'Girlfriend ko', may pagngiti tapos yung ngiti niya naging ngiting pilyo. Yung parang nang-aasar.

"Mahal mo." sabi ko, yung sweet, yung parang nang-aakit. Aba! Hindi lang siya ang marunong mambwisit, ako rin.

Namutla ang Antipatiko! Nakakatawa yung mukha niya. Pinagpapawisan siya tapos namumutla.

Lumapit pa ko lalo sa kanya. Yung tipong unting galaw na lang mahahalikan ko na siya.

"A-Anong s-sabi m-mo?" nauutal na sabi niya.

Pinipigilan ko lang na tawanan siya. Pero shit lang, tawang tawa na talaga ako deep inside.

"Mahal mo. Diba sabi mo ako na ang Alex mo, girlfriend mo edi ang kasundo ako na rin ang mahal mo?"malambing yung pagkakasabi ko kaya lalo siyang pinagpawisan. Pinagpawisan, sa bahay na fully aircondition.

"Matutulog na ko." hindi siya makatingin sa akin. Tuloy-tuloy lang siya sa pagpunta sa kwarto niya.

Nagsisimula na kong matuwa sa kanya. Ano ka ngayon Antipatiko?! Nakaganti rin sa wakas.

Nagising ako sa ingay sa baba. Anong oras na ba?

Tinignan ko yung oras sa phone ko, 7 am palang. 7 am palang may mga maharot na na nagtatawanan sa baba ng bahay ko.

Wala ng hila-hilamos at toothbrush, dumiretso na 'ko agad sa baba.

May apat na tao sa kitchen. Isang babae, dalawang 'di tiyak at si Antipatiko.

Nakatalikod yung tatlo sa gawi ko at si Cris lang ang nakaharap. Nagtatawanan sila.

Marunong rin palang tuwa yung Antipatiko na yan?

"Hey so you're Crisostomo Cupid, huh?"dinig kong sabi nung babae sabay maharot na hampas sa braso ni Antipatiko.

Ang harot! Ako nga hindi ko pa na hahampas yan!

"Yup! Crisostomo at your service. Ang lalaking bumihag sa puso ni Maria Clara."ngiting-ngiti rin yung lalaking yun. Napaka Antipatiko talaga! Sa akin hindi man lang ngumingiti ng matino tapos sa iba ngiting-ngiti siya.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon