CHAPTER FIFTY-THREE

215 23 37
                                    

Cris

Gustuhin ko mang manatili lang sa tabi ko si Alex ay alam kong hindi pwede dahil may trabaho din siyang kailangan ayusin at tapusin.

"Uy, tama na may meeting pa ko." saad niya habang inaalis ang kamay at paa kong nakadantay sa kaniya.

"Dito ka na muna," paglalambing ko at siniksik ang mukha ko sa leeg niya.

Magkatabi kami ngayon sa kama. Kanina pa siya nakaayos at handa nang pumunta sa meeting nang hilain ko siya pahiga ulit sa kama.

"Hoy, mala-late na ko. Magagalit sila." saad niya at hinarap ako.

Nginitian niya lang ako at inayos ko ang mga buhok na humaharang sa mukha niya.

"Five minutes. Five minutes pa, baka kasi ma-miss kita agad." ani ko naman at pinaulanan ng halik ang leeg niya.

Nakikiliti siya sa ginagawa ko kaya nagkagulo kami sa kama hanggang sa siya na ang nakapaibabaw na sa akin.

"Sabi ko sayo mala-late na ko," ani niya at ako naman ang pinaulanan niya ng halik mula sa aking leeg hanggang mukha.

Kaya ako naman ang nagpupumiglas na tumatawa ngayon.

Dumapo ang tingin niya sa mga labi ko at dun pa lang alam ko na ang mangyayari, kaya ako na ang naglakas-loob na halikan siya.

"Dito ka na muna kasi," saad ko sa pagitan ng aming mga halik.

Sasagot na sana siya ng may narinig kaming busina mula sa labas.

"Ayan, ang harot mo kasi, sinundo na tuloy ako." natatawang saad niya at agad nang bumaba para salubungin kung sino man ang sumundo sa kaniya.


Nang makababa ako at makalabas ng bahay ay nakita ko na agad si tito Franz na para bang pinagsasabihan si Alex.

"Oh my gosh! Ano ba yang itsura mo para kang nakipagbakbakan," saad niya na punong-puno ng drama at inayos ang buhok ni Alex.

"Ayan po yung may kasalanan," pagsusumbong naman ni Alex at itinuro ako.

Agad naman akong lumapit sa kanila at bumeso kay tito Franz.

Pinunasan naman niya ang pisngi ko at pinakita sa akin ang kulay pulang stain na nasa kamay niya dala ng lipstick ni Alex mula sa pagkakahalik sa akin.

"Alam ko namang miss na miss niyo ang isa't isa pero wag mo namang buburahin ang mukha ng pamangkin ko, Cris." napatingin naman ako sa mukha ni Alex at dun ko napansin ang kumalat niyang lipstick at namumulang labi.

"Hindi po kasi transfer-proof yung lipstick na nilagay niya," biro ko at pinunasan ang kumalat niyang lipstick.

Agad naman akong nakatanggap ng batok mula kay Alex.

"At ako pa talaga ang sinisi mo sa kaharutan mo?"

Aliw na aliw lang naman kaming tinitignan ni tito Franz.

Napakalapad ng ngiti niya habang nakatingin sa amin.

"Mamaya na nga yang harutan niyo, uuwi naman 'tong si Xandra." pinamalas ko naman ang pinakamalungkot na ekspresyon ng mukha ko dahil sa sinabi ni tito Franz.

"Hoy, mas matangos na yung nguso mo kaysa sa ilong mo," pang-aasar ni Alex sa pag-pout ko at sandali akong hinalikan.

Pero ayoko ng smack lang. Parang dinampi niya lang ang labi niya sa akin.

Kaya agad ko siyang maingat na hinila sa beywang para mahalikan ng maayos.

"Tama na yan, baka mawalan na ng nguso ang pamangkin ko," natatawang saad ni tito Franz bago sila tuluyang pumasok sa kotse at umalis.





You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon