CHAPTER FIFTY-ONE

216 25 17
                                    

Cris

Sabi nila pag nahanap mo na ang taong mamahalin mo, hindi mo dapat siya papakawalan.

Hindi ka na dapat titingin sa iva at maguguluhan.

At kahit gaano kahirap ang pinagdadaanan niyong dalawa, pipiliin mo pa rin siya araw-araw.

Kahit madami kayong hindi pagkakaintindihan, hindi mo siya tatakbuhan. Sa halip ay aayusin niyo yun ng magkasama.

Hindi ka magpapatalo sa takot kasi mahal mo siya.

At yun ang pagkakamali ko.

Nagpadala ako sa takot.

Natakot akong mahalin siya.

Natakot ako sa hindi namin pagkakaintindihan kaya mas pinili kong tumakbo papalayo sa kaniya.

Pero kahit pala anong distansya hindi kayang matalo ang pagmamahal ko sa kaniya.

Kaya ito ako ngayon ilalaban ang kung anong meron man kami sa loob ng limang araw.

Limang araw.

Limang araw lang ang meron ako para makasama siya ulit.

Para maparamdam sa kaniya na mahal ko siya.

Limang araw para mapunan lahat ng naging pagkukulang ko.











Mula sa bag ko ay aking kinuha ang journal ko at nagsimupa na kong magsulat.

Sinulat ko lahat ng dapat kong gawin para maging perfect boyfriend kay Alex.

Kasi ang tulad niya hindi lang dapat para sa isang pangkaraniwang boyfriend. Deserve niyang magkaroon ng PERFECT BOYFRIEND.

Alam kong hindi ako perpekto. Kung minsan pa nga ay para akong tinatawag nilang 'red flag' pero ngayon handa akong magpaka green flag para kay Alex.

Alam kong deserve niya ng better boyfriend kaysa sa akin pero hindi ibig sabihin nun ay basta ko na lang siyang bibitawan nang hindi pinaglalaban.

Bakit ko naman siya ibibigay sa 'someone better' kung pwede naman akong maging 'the best' para sa kaniya.

Diba ganun naman, gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo?

Kaya ito ako, ililista ko ang lahat ng gagawin ko para maging best boyfriend ni Alex.







1. Make sure they know how you feel.

Hindi na dapat nag-iisip pa si Alex kung ano nga ba ang totoong nararamdaman ko. Hindi na dapat siya nagdadalawang-isip kung gusto at mahal ko ba talaga siya. Simula sa araw na ito at sa mga susunod pang araw at taon sisiguraduhin kong malinaw at klaro sa kaniya kung gaano ko siya kagusto at kamahal.

Kung kailangang sabihin ko ng paulit-ulit na mahal ko siya, gagawin ko. Kasi hindi lang dapat sa galaw ko napaparamdam ang pagmamahal ko sa kaniya. Minsan kailangan niya rin na marinig mula sa akin kung gaano ko siya kamahal.




Maaga pa at halos kakasinag pa lang ng araw pero naghanda na ko ng almusal naming dalawa.

Sa ngayon ay simple lang ang niluto ko. Pancit canton, itlog, at hotdog kasama ng mainit na kape at pandesal.

Alam kong pagod pa siya mula sa nangyari kagabi at malamang may hangover pa siya sa dami nang ininom niya.

Kaya naghanda na rin ako ng tubig na maiinom niya.

Pag-akyat ko sa kwarto ay mahimbing pa ang tulog niya.

Napangiti na lang sa itsura niya ngayon.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon