CHAPTER TWENTY

320 25 14
                                    

Cris

"Gusto kita."

Dalawang salitang nagpahinto sa akin.

"Ayaw kong maging magkaibigan tayo kasi mas gustong mas maging higit pa tayo dun." dagdag pa niya

Ilang minuto ang lumipas ng di ako sumagot sa sinabi niya.


Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o maramdaman.

Dapat ba na matuwa ako?

Normal lang ba sa situwasyon namin na matuwa ako?






Dapat ko bang sabihin na gusto ko rin siya?




Gusto ko nga ba siya?











Natigil ang pag-iisip ko ng humagalpak sa tawa si Alex.

"Nakita mo ba yung mukha mo? Sayang di ko nakuhaan ng picture!" natatawang saad niya at itinuro ang mukha ko

"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong

"Joke lang yun! Okay?" sabi niya sa pagitan ng kaniyang tawa.

Prank lang 'to? Hindi nakakatuwa.

"Pwede ka nang huminga. Masyado kang na-stress sa sinabi ko." dagdag niya ng tinignan ko lang siya.


Ano bang trip niya?


Naguluhan lang ako lalo sa ginagawa ni Alex.


Tinitigan ko lang siya.

Nakangiti siya pero ang mga mata niya hindi mukhang masaya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko ng bigla siyang tumayo at naghanda nang umalis.

"Matutulog na. Anong oras na, may trabaho pa ko bukas."














Matapos ang pangyayari na yun nagising na lang ako na si nanay Nancy na lang at ako ang nasa bahay niya.

Umalis daw siya ng maaga. Hindi man lang nagpaalam sa akin.












"Hoy bakit di ka na naman umuwi?" bungad ko nang makita ko na siya

"Bakit ka nandito?" tanong niya

Bakas sa mukha niya ang pagkabigla.

Hindi ba siya pwedeng puntahan ng boyfriend niya?

"Bakit di ka umuwi?" balik kong tanong

Matapos niya kong iwan sa bahay niya ni hindi man lang siya umuwi sa mansion nila o kahit man lang sa bahay niya sabi ni nanay Nancy.

"Tatay ba kita?" iritang tanong niya at bumalik sa pagtingin sa salamin.

Mukhang kakatapos niya lang ayusan ng make-up artist niya at suot- suot na niya ang design ni France.

"Boyfriend mo ko." sagot ko at tumingin rin sa salamin.

"Boyfriend sa kontrata." bulong niya pero sapat na para marinig ko.

Mas lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mga balikat.

Inilapit ko ang mga labi ko sa pisngi niya para humalik.

"Sa kontrata man o hindi, boyfriend mo pa rin ako." bulong ko at kinindatan siya.

Muli akong tumayo ng tuwid at ngumiti ng makitang hindi niya inaasahan ang ginawa ko.

"Kailangan ko pa ba talagang kulitin si Karylle para malaman ko kung nasaan ka?" tanong ko

Ilang beses kong tinawagan si Karylle para lang kulitin at sabihin sa akin kung nasaan si Alex.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon