Cris
"Eh di totohanin na natin 'to." seryoso kong saad.
Ilang minuto kaming nagtitigan hanggang sa muli nang gumalaw ang sasakyan sa unahan namin.
"Hindi nakakatawa yung joke mo." ani niya
"Sus, sinubukan ko lang naman yung joke mo."
Ramdam ko ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko sa tingin na yun, sinabi ko lang naman yun para sana mapatawa siya.
"Bakit nga pala tayo lalabas?" tanong niya
Saglit ko siyang tinignan at hinayaan ang sarili kong maligaw sa mga titig niya.
"Para mag-date," saad ko at muling ibinalik ang tingin sa daan
"At bakit naman kailangan nating mag-date?" muling tanong niya
"Basta," nakangiti kong sagot
"Mukhang masaya ka ngayon, ano bang meron?" nakangiti niya ring tanong
Dapat ko na bang sabihin sa kaniya?
"Wala naman," saad ko habang tinatapik-tapik ang manibela
"Wala, pero ngiting-ngiti ka."
"Hulaan mo," biro ko
"Ayoko nga."
"Hulaan mo na." pamimilit ko habang patuloy na tinatapik ang manibela at sa daan lang ang tingin.
Saglit kaming nanahimik at tanging mga busina lamang ang naririnig namin.
"Gusto mo na ko? Kasi gusto na kita" saad niya "Kami na ulit ni Cassy." saad ko
Agad kong tinapakan ang break at napalingon sa kaniya.
Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.
"Ah kaya pala," tanging saad niya
Ni hindi man lang niya binawi ang biro niya.
Biro lang yun diba?
Hindi niya ako gusto.
Hindi niya ko pwedeng magustuhan.
Buong byahe ay napuno ng nakakabinging katahimikan.
Walang gustong maunang magsalita.
Hindi ko na rin siya magawang tignan.
Kahit hanggang sa pagpasok namin sa restaurant wala pa rin siyang imik.
Nagkamali ata akong sabihin yun sa kaniya.
Tinitignan ko lang siya habang busy naman siya sa pagtipa sa phone niya.
Hanggang sa dumapo ang tingin niya sa akin at ako naman ang nag-iwas ng tingin.
Awkward.
Muli ko lang narinig ang boses niya nang dumating ang waiter para tanungin kung anong order namin.
"Kahapon lang," pagbasag ko sa katahimikan
Dalawang salita na alam kong alam na niya ang ibig sabihin.
"Pag uwi ko sa bahay niyo." dagdag ko nang makita kong nasa akin na ang atensyon niya.
"Good for you." tipid niyang sagot at muling bumalik sa phone niya.
Hindi ko na alam kung anong dapat kong sabihin.
Muli nang bumalik ang waiter dala ang mga order naming pagkain.
"Joke lang masyado ka namang seryoso." saad ko bago tignan ang aking pagkain.
Tinignan niya lang ako bago niya inumin ang kaniyang wine.
"Bakit mo ba talaga ako dinala dito?" malumanay niyang tanong
"Binili mo ko sa halagang five hundred thousand, yung sweldo ko mula sa two hundred fifty thousand tinaasan mo at ginawa mong three hundred fifty thousand kinsenas katapusan," muli siyang nag-angat ng tingin sa akin
"So ipapamukha mo na ba sa akin na binili lang kita?" hindi ko naman gustong ma-offend siya sa sinasabi ko pero parang ganun ang naging dating sa kaniya.
"Hindi sa ganun. Gusto ko lang sabihin na sobra akong nagpapasalamat sayo, dahil sayo napagpaaral ko ang mga pamangkin ko at naibibigay ko ang mga pangangailangan nila." saad ko at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa.
"Nagpapasalamat ako sayo kasi kung wala ka, baka napabayaan ko na sila. Kung saan-saan na ko naghanap ng trabaho kaso lahat hinarangan ng tatay mo." napangiti naman ako nang inalala ang mga rejections na napagdaanan ko dahil sa ayaw ni Sir Joey na umalis ako sa kumpanya niya.
"Gusto mo bang pagalitan ko siya?" nakangiti niyang tanong
Nakangiti akong umiling.
Loko talaga 'to.
"Tinanggap mo ko at ang mga pamangkin ko sa pamilya mo at hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan. Ito lang yung alam kong gawin para kahit papaano ay makabawi ako sayo."
"Sapat na to bilang pambawi." nakangiti niyang tugon at hinawakan rin ang kamay ko.
"Bakit nga pala hindi ka na lang bumalik sa trabaho mo?"
Napaisip naman ako sa tanong niya.
Si Cassy.
Si Cassy ang dahilan kung bakit ayokong bumalik sa kumpanya na yun.
"Gusto ko kasing patunayan sa tatay niyo na minahal ko si Cassy hindi dahil sa pera." nakangiti kong sagot, napansin ko naman ang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha niya.
"Pero tignan mo, sa isang anak niya rin pala ang bagsak ko." natatawang dagdag ko at muli kong nakita ang ngiti niya.
Mas hinigpitan niya hawak sa mga kamay ko at seryosong tumingin sa aking mga mata.
Para bang may sasabihin siya na napakaseryoso.
Gusto ko sanang magsabi ng joke para sana ay mabasag ko ang nakakasakal na tensyong bumabalot sa amin.
Pero nakita ko kung gaano siya kaseryoso.
Mula sa ngiti niya ay nagbago ito at tila ba may isang bagay siyang kailangang sabihin na 'di maidadaan sa biro.
"Kung babalikan mo man siya, pwede bang wag muna ngayon?"
Author's Note:
Dahil sobrang mangulit si RuinousMystery at si Lyly sa twitter ito na ang update ko. HAHAHAHAHAH
Pasensya na kung natagalan, naging busy lang. Pero nung nakita kong may nagpupustahan na. Ipinusta na ang kapatid at kapit-bahay. Yung isa nagtaya na ng atay HAHAHAHAHAH
Hi larlar46, vhoicebabyme and AnnestashaMaeGaleRud! Thank you sa pangungulit sa comment section HAHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
You're Mine
Random"Ayoko ng kaagaw! Mapalalaki man o babae pa yan, ayaw kong lalapitan ka. Mahal kita, kaya akin ka lang. Remember YOU'RE MINE, just MINE!" "Mahal kita, mahalin mo rin ako unting respeto naman! Kapag sinabi mo na na mahal mo ko, YOU'RE MINE, 'TILL INF...