CHAPTER THIRTY-TWO

324 27 15
                                    

Cris

Dahil sa pag-uusap namin ni Patrick napaisip ako na baka ito na ang sign na baka hindi talaga kami para sa isa't isa ni Alex.

Baka isa lang siya sa tao sa buhay ko na dadaan lang para bigyan ako ng leksyon sa buhay o aral na hindi ko makakalimutan.

Pero naisip ko rin na diba pag mahal natin ang isang tao ipaglalaban natin. Mahal ko siya. Kaya dapat lang na ipaglaban ko siya.

Maging kami man o hindi, ang mahalaga alam kong ginawa ko ang lahat para maipakita sa kaniyang mahal ko siya.

Kaya kahit bilang na ang mga araw na magkasama kami. At alam ko nang ibabalik na niya ako kila Patrick ay ginawa ko ang lahat para maipadamang karapat-dapat akong maging boyfriend niya.


May mga araw na ipinagluluto ko siya.

"Ang aga mong nagising today," bungad niya sa akin ng dumating siya sa kusina.

Busy ako sa pagluluto ng almusal para sa kaniya.

"Pinagluto lang kita ng almusal," saad ko sakto sa pagkaluto ng huling putahe.

"Tapa, sinangag at itlog. TapSiLog!" nakangiting saad ko habang inihahain ang aking mga niluto.

"Anong na kain mo at ipinagluto mo ko?" nakangiti ring tanong niya habang papalapit sa mesa.

Pinaghila ko siya ng upuan at tinignan ko kung ano pa bang kulang.

"Kape, kulang pa pala ng kape," saad ko at agad ko siyang pinagtimpla ng kape.

"Kuhang kuha mo na yung timplang gusto ko ah," ani niya ng tinikman niya ang kape.

"So ano nga ang chika? Bakit bigla mo kong pinagluto?" muling tanong niya

"Masama bang ipagluto ka ng boyfriend mo?" balik kong tanong na dahilan ng pamumula ng pisnge niya.

Inihain ko na rin ang aking pagkain at handa na sana akong umupo kaso may bigla akong naalala.

"Teka, may nakalimutan pa pala ako," naguguluhan niya akong tinignan nang dahil sa sinabi ko ay naudlot ang pagsubo niya.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon