CHAPTER FIFTY

245 20 13
                                    

Cris

Sobrang daming gumugulo ngayon sa isip ko.

Ito na, hawak ko na siya. Kasama ko na siya, pero bakit bigla na naman siyang nawala?

Masaya na kami. Pero bakit bigla na namang naging ganito?

Yung huling beses na hindi ko siya hinabol, nagsisi ako.

At alam kong pagsisisihan ko ulit ang hindi paghabol sa kaniya ngayon.

Kaya matapos ang nangyari, buo na ang desisyon ko.

Magalit na siya kung magagalit siya. Pero sa pagkakataong ito, hahabulin ko siya at aayusin ko 'to.

Ipapaliwanag ko ang lahat sa kaniya. Sasabihin ko lahat ng gusto kong sabihin.

Pati ang mga bagay na tinago ko.

Mga bagay na matagal ko nang gustong sabihin sa kaniya.

Dahil hindi ko na kakayaning mawala siya sa akin nang hindi ko man lang siya naipaglalaban.

Hindi na ko papayag nalalayo siya sa akin na hindi man lang niya nalalaman.

Hindi na ko papayag na hindi niya malaman na ang puso ko, siya lang ang laman.

Kaya kahit na sinabi niyang wag ko siyang sundan ay agad akong kumaripas ng takbo pasunod sa kaniya.














Nang makalabas ako ay nakasakay na siya sa taxi. Habulin ko man ito ay alam kong hindi niya ito ihihinto.

Kaya bumalik ako sa loob para kunin ang kotse ko.

Habang nagmamaneho ay sinusubukan kong tawagan siya. Umaasang sagutin niya ang tawag ko.

Pero kahit anong tawag ko ay hindi niya sinasagot.

Pero sinubukan ko pa rin ulit.

Mula dito ay nakikita kong nasa unahan ko lang siya. Ilang kotse ang nasa pagitan namin.

Gustuhin ko mang sumingit sa mga sasakyan na 'to ay alam kong delikado.

Ayoko pang maka-meet-and-greet si San Pedro.

Kaya naghintay kang ako ng tanang pagkakataon.

Pero para bang wala sa panig ko ngayon ay swerte dahil naabutan ako ng red light habang ang sinsakyan niyang taxi ay nakakalayo na sa akin.

Nararamdaman ko na ang pagkabigo pero hindi ako pwedeng sumuko.

Kaya nagpatuloy pa rin ako sa paghabol sa kaniya.

Sa totoo lang, hindi o alam kung saan kami papunta lalo na ngayon na nakalayo-layo na siya.

Hindi ko na mahanap ang taxing sinasakyan niya.
















Humanap ako ng tamang lugar para ihinto at saglit na iparada ang sasakyan ko.

Sinubukan kong tawagan ang mga kaibigan niya.

Una kong tinawagan si Lassy, pero sabi niya nagbabakasyon siya ngayon.

Sunod kong tinawagan si MC na kasama daw niya ang ibang kaibigan niya ngayon.

Huli kong tinawagan si Karylle na dahilan kung bakit may nga number ako ng nga kaibigan nila.

Nung una ay hindi niya agad sinagot ang tawag ko. Pero tinawagan ko siya ulit.

At sa ikatlong ring ay sinagot na niya ito.

"Hello, kung hinahanap mo siya, isesend ko sayo ang location niya." agad na saad nito. Ni hindi man lang ako nakabati o nakapagsalita man lang.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon