CHAPTER FORTY-FOUR

181 24 20
                                    

Cris

Matapos ang naging usapan namin ni sir Joey ay minabuti ko nang umalis sa mansyon.

Inayos ko na lahat ng mga gamit ko. At habang nag-aayos ako ay hindi ko maiwasang maalala ang nga nangyari sa kwartong 'to.









Noong unang gabi namin dito ni Alex ay hindi man lang ako nakapasok sa kwartong 'to dahil sa hinatid ko si Sandra sa kwarto niya matapos ang nangyaring gulo sa party.

Nahiya din naman kasi akong kumatok sa kwartong 'to dahil baka natutulog na si Alex kaya sa kwarto na lang ng mga bata ako pumunta.



Pero naaalala ko yung araw na yun, hindi rin ako makatulog sa dami nang nangyari kaya lumabas din ako ng kwarto at naisipang magpunta at magpahangin muna sa pool nila kung saan nakita ko si Alex.

Noong una gusto ko siyang lapitan at tanungin kung anong ginagawa niya dun pero nang medyo makalapit na ko sa kaniya dun ko nakitang umiiyak siya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil para bang nanghihimasok ako sa privacy niya.

Pero hindi ko rin naman siya magawang iwan.

Kaya nanatili lang ako dun. Tinitignan ko lang siya habang may distansya sa pagitan naming dalawa.

Hindi naman niya napapansin ang presensya ko kaya habang nakaupo siya sa gilid ng pool, ako naman ay umupo na lang rin sa damuhan sa di kalayuan.


Habang tinitignan ko siya, nakikita ko rin ang bawat patak ng luha niya habang tinitignan ang mga pictures sa phone niya.

Noong una nakaramdam ako ng galit dahil puro pictures nila ni Rence ang nakikita kong tinitignan niya.

Nakakainis lang na iniiyakan niya yung ganung klaseng lalaki. Kung tutuusin nga ay swerte si Alex na nakatakas na siya sa lalaking yun.

Napakagago ni Rence na nagawa niyang saktan si Alex at Cassy. Napakagago niyang nagawa niyang lokohin ang dalawang mapakabuting taong kilala ko.



Noong panahon na yun naisip ko rin na ang swerte ni Rence kasi mahal siya ni Cassy, ng taong mahal ko. Napakaswerte niya lalo na mahal siya ni Alex, at kahit anong panlolokong ginawa niya, patuloy pa rin siyang minamahal nito kahit nasasaktan na siya.

Naisip ko pa nga nun na kung ako siguro yun, susuklian ko ang bawat pagmamahal na binibigay ni Alex. Ipaparamdam ko sa kaniya yung pagmamahal na deserve niya.

Pero hindi naman ako si Rence noong panahon na yun. Kaya ang ginawa ko lang ay tignan si Alex hanggang sa bumalik siya sa kwarto.

Pero bago yun ay nakita kong tinignan niya ang family picture nila at kung ano man ang niluha niya kay Rence ay mas doble pa ang niluha rito.

At dun ko napagtanto na mahal na mahal ni Alex ang pamilya niya.








Kinabukasan, napuno rin ng tensyon  ang  hapag-kainan dahil sa sinabi ni sir Joey tungkol sa amin ni Cassy.

Oo, mahal ko pa nun si Cassy pero hindi rin maaalis sa akin na mag-alala kay Alex. Kaya nga agad ko siyang sinundan sa kwarto niya para malaman kung anong kalagayan niya. Alam ko kasi kung gaano kabigat sa pakiramdam niya ang nangyari. Napaka unfair din nun sa part ni Alex dahil siya naman 'tong unang niloko ni Rence at ngayong pinakilala na niya ko bilang boyfriend niya, para bang inirereto pa ko ng ama nila sa kapatid niya.




Pagpasok ko ay nakita ko malungkot na ekspresyon ng mukha niya. Dun ko nalaman na mas gusto ko pang sinusungitan niya ko kaysa sa nalulungot siya.

Nang makita niya ako ay agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at agad akong inasar at biniro.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon