CHAPTER TWENTY FIVE

285 23 12
                                    

Cris

"Long time no see kuys!" bungad na pagbati sa akin ni Billy nang makalapit ako sa table na pina-reserved niya para sa amin.

Nakipagpalitan ako sa kanila ng pagbati at umupo sa tabi ni Billy.

Nakakapanibagong kumpleto kami ngayon.

"Akala namin hindi ka na magpapakita sa amin." saad ni Teddy at inabot sa akin ang isang bote ng beer.

"Nagka-girlfriend lang biglang di na mahagilap." ani naman ni Jhong kasabay ng pagdating ng aming mga pulutan.

"Paano kasi nagkabalikan na sila ni Sandra kaya ganyan," nagkatinginan naman sila dahil sa sinabi ni Billy.

Halatang nagulat sila sa sinabi ni Billy.

Si Billy pa lang kasi ang nakakaalam na nagkabalikan na kami ni Sandra. Kaya nagpatawag ng barkada night ngayon si Billy para masabi ko na rin sa iba ang bagong balita.

"Sandra with the 'S' or Xandra with the 'X'?" tanong naman ni Jugs

"Hindi naman sila naghiwalay ni Xandra with the 'X' diba?" sagot na tanong ni Teddy

"Teka, ibig sabihin kuys Cris namamangka ka sa dalawang ilog?" mariin na tanong ni Teddy

"Gago babaero ka na?" gatong naman ni Jhong

Napakamot na lang sa aking batok.

Wala naman ata silang balak na pagsalitain ako.

At yung isang taong akala ko magtatanggol sa akin, iniwan ba naman ako.

Umalis si kuys Billy dahil may aasikasuhin daw muna siya, habang ako  ito, naho- hotseat na.

"Hoy grabe kayo! Nakalimutan niyo atang sa kontrata lang siya boyfriend ni Alexander." napatingin ako kay Jugs. Sa wakas may nagtanggol din sa akin.

"Kahit na, hindi ba considered yun na cheating?" kung hindi ko lang talaga kaibigan tong si Jhong, papabayaran ko lahat ng order namin sa kaniya. Tapos lahat ng mamahaling alak yung kukunin ko.

"Alam ba yan ni Xandra with the 'X'? " napailing naman ako sa tanong ni Teddy at kinuha ang aking beer.

Napakakukuripot naman ng mga to, beer lang talaga ang in-order. Pwede namang yung mga mamahaling alak tutal si Billy naman ang may-ari ng bar na to.

"Bobo! Bakit di mo sinabi?"

Muntikan ko nang matapon ang hawak-hawak kong alak nang batukan ako ni Jhong.

"Bobo! Paano niya sasabihin, edi nawalan siya ng trabaho?" saad naman ni Teddy at binatukan rin si Jhong.

Natawa na lang kami ni kuys Jugs sa kakulitan nilang dalawa.

Ilang minuto silang nag-asaran at si kuys Jugs ang nagsisilbing taga-awat nila kung sakaling umabot na sila sa pikunan.

Sinamantala ko naman ang pagkawala ng atensyon nila sa akin para isipin ang mga bagay-bagay.

At pagsinabi kong bagay-   si Alex. Si Alex ang iniisip ko.

Paano ko ba sasabihin sa kaniya lahat ng dapat kong sabihin?

Hindi ko nga alam kung anong dapat kong unahin o kung ano ang dapat kong sabihin.

"Kasama ba sa kontrata mo na bawal kang magka-girlfriend ng iba?" napaangat ako ng tingin kay kuys Billy.
Nakabalik na pala siya, hindi ko man lang napansin.

"Hindi naman ako pinagbawalan ni Alex na makipagbalikan kay Sandra," sagot ko.

Base sa kontrata ko wala namang nakalagay dun na hindi ako pwedeng magka-girlfriend.



You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon