CHAPTER THIRTY-NINE

213 14 12
                                    

Cris

"Kuya Cris, CODE RED!" mariing saad ni Jian sa kaniyang tawag at rinig ko ang isang lalaking napapahiyaw sa sakit sa background niya.

Dama ko ang tensyong bumabalot sa kabilang linya at natatakot ako dahil baka napano na si Jian.

Agad akong tumakbo papunta kung saan siya naroroon.

Base sa boses niya ay hindi naman siya natatakot pero bakas ang pagmamadali niya.

Para bang may kailangan siyang gawin at kailangan niya ang tulong ko para magawa yun agad.

"Nasaan si Jian?" tanong ni Patrick

Parehas kaming nagmamadaling tumatakbo. Parehas na nag-aalala sa kaibigan namin.

"Base sa ingay sa background niya, baka nasa gilid siya ng stage." saad ko habang iniiwasan ang mga taong nasa dinadaanan namin.

"Sa DJ booth?" ani ni Patrick at nginitian ang babaeng nasanggi niya sa pamamadali.

Ngayon ko napatunayan kung gaano kahalaga sa kaniya si Jian. Kasi kung normal na pagkakataon lang 'to at hindi si Jian ang nangangailangan ng tulong namin, malamang nilandi na niya yung babaeng nasangga niya.

Pero ngayon mas nagmamadali pa siyang tumakbo. Walang pakealam kung sino man ang masanggi niya.

"Bilisan mo!" sigaw niya at mas binilisan ang pagtakbo.

Kung normal lang rin ito na pagkakataon baka nainis na ko sa tono ng pananalita niya. Pero alam at dama ko ang pag-aalala niya kay Jian. Naiintindihan ko ang pagmamadali niya.

Kaya mas binilisan ko ang pagtakbo.

"Bilisan mo!" sigaw ko rin nang mauna na ko sa kaniya.

Malapit na kami. Nakikita ko na ang tao sa stage.

Parang ito na rin yung highlight ng event ni Sandra.

Halos tamang-tama lang rin para makaabot ako at matupad ang pangako ko sa kaniya.











Napansin kong nauna na nga sa akin si Patrick at agad na nilapitan ang DJ booth sa gilid ng stage.

Pagkarating ko dun ay nakita ko agaf ang lalaking nakadapa sa sahig at hinahawakan ni Jian. Habang si Patrick naman ay tila pinipigilan si Jian sa ginagawa niya.

"Anong tinatayo-tayo mo dyan? Tulungan mo ko!" saad ni Patrick habang hinihila palayo si Jian sa lalaki.

Ngayon ko lang napansin na may busal sa bibig ang lalaki at namumula ang kaniyang pisnge.

"Ano bang nangyayari?" tanong ko.

Nagtagumpay na si Patrick sa paghila kay Jian at unti-unti na niya itong pinapakalma.

"Sir, tulungan niyo po ako," pagmamakaawa nang lalaki ng matanggal ko na ang busal niya sa bibig.

"Ang kapal ng mukha mo!" galit na saad naman ni Jian at nagpupumiglas sa hawak ni Patrick.

"Pep please tell me anong nangyari," malumanay na saad ni Patrick

"They are plotting something against ate Cassandra," sagot ni Jian

"Anong kinalaman ni Sandra dito?" tanong ko.

"Kuya Cris plano nilang ilabas at ipapanood yung scandal ni ate Cassandra," inabot niya sa akin ang isang flash drive

"Laman nyan ang video. Gusto nilang ipahiya siya ngayon."

Tinitigan ko ang flash drive na inabot niya. Ang daming tanong sa isip ko. Hindi ko alam kung anong uunahin.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon