CHAPTER THIRTY-THREE

243 23 10
                                    

Cris

Napakatahimik ng bahay. Ihinatid ko kasi ang mga bata ngayon kay ate Athena para naman makapag-bonding sila. Sila sir Joey naman at ma'am Amy ay nasa ibang bansa para asikasuhin ang business nila.

Si Sandra naman ay busy sa organization niya at nasa Cebu sila ngayon para tumulong sa mga bata dun.

Si Alex naman ayaw akong isama sa lakad nilang magbabarkada dahil "Girls Night Out" daw yun.

Gustuhin ko mang yayain mag-inuman ang mga barkada ko, alam ko namang busy sila ngayon sa kaniya-kaniya nilang buhay.

Pero ang boring kasi ngayon sa bahay. Ayoko naman sa ganitong klaseng katahimikan. Para bang nakakabingi.

Kaya agad kong mina-message si Jian kung nasaan siya ngayon.












"Hanggang kailan mo ko guguluhin?" tanong sa akin ni Jian gamit ang blanko niyang expresyon.

"Grabe ka naman, hindi naman kita ginugulo. Wala lang talaga akong magawa ngayon." saad ko at muling binalik ang atensyon sa mga basong hawak-hawak ko.

Pagkaupong- pagkaupo ko pa lang dito, nakuha na ng mga basong ito ang atensyon ko. Para bang gusto ko silang gawing pyramid kaso baka batukan ako ni Jian.

"Wala kang magawa, kaya ginugulo mo yung trabaho ko?" napatigil akong muli sa kalokohang iniisip ko at tinignan si Jian na nakapamewang na ngayon.

Kung meron man akong nakuhang aral sa maikling panahon na nakilala ko siya, yun ang wag na wag siyang galitin.

Muli kong inayos ang mga baso tulad ng pagkakaayos niya bago ko ito paglaruan.

"Ito na nga aayusin ko na ulit."

Tumango lang siya sa akin at muli nang bumalik sa pag-ayos ng mga kakailangin niya ngayon sa coffee shop.

Bilib din talaga ako sa batang to, tuwing weekends nasa bar siya ni Billy bilang bartender at tuwing weekdays naman ay nagtratrabaho siya dito sa coffee shop na to malapit sa eskwelahan niya at sa building ni Patrick.

Ngayong ako pang hapon siya at isa siya sa mga baristang nandito hanggang sa pagsasara ngayong araw ng coffee shop.

"Bakit ka ba kasi nandito kuya?" muling saad niya nang maiayos at mapunasan na niya ang mga mug.

"Wala nga kasi akong magawa," sagot ko at tinignan na naman niya ako na para bang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Pero hindi naman na siya nagkumento.

Nanitili kaming tahimik hanggang sa tuluyan na ngang dumagsa ang mga tao sa coffee shop. Dahil nga malapit ito sa eskwelahan, sa hospital at nasa business area ay napakaraming taong dumadagsa dito.

May mga doktor at nurse. Mga mukhang business man na busy sa pagtudtod sa laptop nila at mga estudyante na parang ginagawa na itong tambayan.

May iilan din na naglalambingan sa gilid.

Naalala ko tuloy nung pasikreto pa kaming nagda-date ni Cassy, madalas din sa bantang gilid o likuran kami lagi umuupo para walang makapansin sa amin.

Madalas pakiramdam namin na para bang may sarili kaming mundo, na para bang kami lang taong nasa lugar na yun.

Patago man ay sinusulit namin ang bawat sandaling magkasama kami.

Naiisip ko tuloy kung ganun rin ba ang magiging sitwasyon namin ni Alex. Kung gusto rin ba niya na mag-date sa ganitong lugar. Kung saang banda niya gustong umupo. Kung magkakaroon rin ba kami ng sarili naming mundo pag magkasama kami.














You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon