Cris
Paano ko ba sasabihin sa kaniya?
Ilang beses ko nang inimagine kung paano ko sasabihin kay Alex ang lahat. Pero hindi ko naisip na ganito pala ang mangyayari."Sorry," tanging saad ko
Hindi ako makatingin sa mga mata ni Alex.
Para bang pakiramdam ko niloloko ko siya.
Hindi ko naman dapat maramdaman 'to diba? Kasi hindi naman kami. Wala naman talagang kami.
"Ano?" tanong niya at tinignan ang kamay naming magkahawak ni Cassy.
"Anong dapat kong malaman Cris?" muling tanong niya at binitawan na ang kamay ko.
"Cris," muling pagtawag niya sa pangalan ko nang hindi ako sumagot.
"Kuys mas mabuti siguro kung mag- usap na lang kayo privately." saad ni kuys Billy bago niya kami dinala sa room na inilaan niya sa akin.
Bago kami tuluyang makalayo mula sa dance floor, nakita kong nakatingin halos lahat ng tao roon sa amin at napansin kong tinabihan na ni Jian ang DJ nila Billy at siya na mismo ang nagpapatugtog para makuha muli ang atensyon ng mga tao.
Katahimikan.
Yun lang ang tanging meron sa loob ng kwarto na ito.
Nanatili pa ring nakahawak ang kamay ko sa kamay ni Cassy.
Kabado.
Parehas kaming kabado.
Ganito ba ang nararamdaman ng mga manlolokong boyfriend pag nabisto?
Pero hindi naman kami ni Alex. Hindi totoong kami. Wala naman talaga kaming relasyon.
Pero bakit nakakaramdam ako ng kakaiba? Para bang nakokonsensya ako.
Muling dumapo ang tingin ni Alex sa kamay naming magkahawak ni Cassy.
"Kuya let me explain," panimula ni Cassy matapos ang ilang minutong katahimikan.
Mas hinigpitan niya ang paghawak sa mga kamay ko.
"Kuya its my fault, all of it. Walang kasalanan si Cupid dito."
Galit.
Yun ang tanging nakikita ko sa mga mata ni Alex ngayon.
Pero hindi sa akin.
Tanging kay Cassandra lang.
Pero bakit?
Kasalanan ko rin naman 'to.
Kung kasalanan ang magmahal, siguro nga nagkasala ako.
"Sandra, ako nang bahala," saad ko kay Cassandra at pinusan ang nagbabadya niyang luha.
"Pero Cupid-" pinutol ko kung ano man ang pagtutol na sasabihin niya sa pamamagitan ng paghalik ko sa kaniyang mga labi.
"Ako nang bahala, wag ka nang mag-alala," muli kong pinunasan ang mga luha niya bago ko halikan ang kaniyang noo at ibilin kay Billy na siguraduhing makakauwi siya nang maayos.
Nang makaalis si Sandra at Billy ay hinayaan ko munang mabuo ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Alex.
"Alex," pagtawag ko sa kaniya nang makita kong bubuksan na niya ang pinto.
Hindi pwedeng manatili lang kaming ganito ni Alex.
Kahit walang kami, may karapatan pa rin siyang malaman ang tungkol sa amin ni Sandra.
"Walang kasalanan si Sandra dito." humarap siya sa akin at dun ko lang nakita ang mga mata niyang may nagbabadyang luha.
Gustuhin ko mang punasan ang mga yun, alam kong wala akong karapatan.
"Kung magtuturuan lang naman kayong dalawa dito, wag na. Hayaan niyo na." saad niya at pinunasan niya ang kaniyang luha.
"Pero-"
"May mata naman ako, Cris." pagputol niya sa aking sasabihin at muli na namang tumulo ang kaniyang mga luha.
"Alam ko na. Hindi mo na kailangang ipamukha pa sa akin." tanging saad niya bago tuluyang umalis.
Author's Note:
Hi! Alam kong gigil kayo ngayon sa akin after niyong mabasa 'to, kaya ngayon pa lang magso-sorry na ko. Sorry, pero promise para 'to sa plot kaya chill lang wag ma-highblood.
Hi Louissaror, hindi koa alam kung tapos na ba yung birthday mo pero just wanna greet you a Happy Birthday!
CherilynJunio5 if mababasa mo to wag ka sanang masyadong ma-highblood HAHAHAHAHA
Hi AnnestashaMaeGaleRud! I'll try my best para gawin yung suggestion mo.
And, sa lahat ng nag-iiwan ng votes and comments nila, thank you! Lalo na sa mga nag-follow sa akin at talagang naghihintay ng updates ko, thank you and I love you!
BINABASA MO ANG
You're Mine
Acak"Ayoko ng kaagaw! Mapalalaki man o babae pa yan, ayaw kong lalapitan ka. Mahal kita, kaya akin ka lang. Remember YOU'RE MINE, just MINE!" "Mahal kita, mahalin mo rin ako unting respeto naman! Kapag sinabi mo na na mahal mo ko, YOU'RE MINE, 'TILL INF...