CHAPTER EIGHT

641 34 30
                                    

Cris

Nagmamadali akong umuwi sa bahay ni Sungit. Mukhang naabala ko pa siya ngayon dahil lang sa isang bagay na dapat 'di ko na lang ginawa.

Pagpasok ko sa bahay, agad na sumalubong sa akin ang mga bata.

"Totay bakit po ngayon lang kayo?" malungkot na bungad sa akin ni Xia

"Sayang po 'di niyo kami nasundo ngayon." sabi naman ni Josh na bakas rin ang lungkot.

Dapat talaga di na lang ako pumunta dun, di ko tuloy na gawang masundo sila Josh tulad ng nakagawian ko.

Agad naman akong humingi ng tawad sa dalawa dahil sa di ko pagsundo.

"Pero ayos lang po, sinundo naman po kami ni tinay." napawi naman agad ang lungkot sa mukha nila ng mabanggit ang tinay na yun.

"Sinong tinay?" tanong ko. Sa pagkakaalala ko wala naman kaming kilala na Tinay ang pangalan.

"Si tinay Alex po." masayang saad ni Josh

"Tita and nanay na po namin siya parang kayo po totay." masayang ikwinento naman ni Xia kung paano nila naisip at kung paano nila napapayag si Alex na tawagin siyang Tinay.

Napangiti ako dahil dun. Kung ako ang Totay nila, as in Tito at Tatay, si Alex naman na ang Tinay nila, Tita at Nanay.

Parang kumpleto na ang pamilya.

"Siya ba ang nagsundo sa inyo?" hindi pa rin kasi ako makapaniwala na talagang susunduin niya yung mga bata, nagbaka sakali lang naman ako kanina na kung pwedeng masundo niya ang mga ito dahil may importante akong gagawin.

Bago pa makasagot ang dalawa, dumating na ang kanina pa naming pinag-uusapan.

"Hindi ba kapani-paniwala?" taas kilay na tanong ng Tinay nila na pababa pa lamang ng hagdan.

Napangiti akong muli. Tinay, nakakapanibagong tawagin siyang tinay pero parang may kung ano sa salitang yun na dahilan kung bakit ako napapangiti.

"Grabe nga po yung tingin sa kanya ng mga tao." pagbibida ni Josh sa Tinay niya

"Sikat po pala talaga si tinay." dagdag pa ni Xia.

Sa pagkakaalala ko noong unang araw ko dito sinabi na rin sa akin ni Alex na isa siyang model. Noong una di talaga ako makapaniwala pero ngayon mga bata na mismo ang nagsabi, talaga nga sigurong sikat ang isang 'to.

"Bukod sa ang gara po ng kotse niya, ang ganda niya rin po kasi."

Napatingin ako kay Alex na ngayon ay nakababa na ng hagdan, dahil sa sinabi ni Josh. Tama siya, kung ako rin naman ang makakakita kay Alex malamang magpa-picture pa ko.

"Sino ba namang matinong tao yung magsusuot ng ganyan para lang magsundo?" nag-aasar kong tanong. Napakagara naman kasi talaga ng kasuotan niya, para bang pupunta siya sa Star Magic Ball.

"Ikaw talaga ang number one basher ko." inikutan pa talaga niya ko ng mata. Kung hindi lang siguro niya ko nabayaran na malamang matagal na kong napatalsik sa trabahong 'to dahil sa pag-aasar ko.

"Saan ka ba galing?" tanong niya at nakapamewang pa sa harap ko.

Para siyang asawa ko na nagagalit dahil late akong umuwi ng bahay.

"May importante akong ginawa."

Kunot noo niya akong tinignan. Ngayon naman para siyang asawa ko na nag-iisip kung may kabit ako.

"Gaano ba yun kaimportante at nakalimutan mo talagang sunduin yung mga bata?"

Oo, importante pero wala rin namang magandang kinahantungan ang ginawa ko. Nagsayang lang ako ng oras sa pakikipag-usap sa taong wala namang puso.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon