CHAPTER FIFTEEN

389 31 36
                                    

Cris

"Hi", nahihiya kong bati.

Hindi ko naman kasi talaga gustong mang-abala, kaya lang wala na akong ibang maisip na paraan para makausap si Alex.

"Hey Cris, what's up?" bungad sa kin ni Karylle nang makarating ako coffee shop na pinag-usapan namin.

Nakakahiyang ako 'tong humingi ng oras niya para papuntahin siya dito, pero naunahan niya pa kong makarating.

"Gusto ko lang sanang itanong kung nasaan si Alex"

Tahimik niya kong tinignan. Walang sagot na lumabas sa bibig siya.

"Ano kasi... Alam kong di dapat kita inabala ngayon para lang dito pero kasi..." naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang manipis niyang pagtawa.

"Hey, sino ba talagang jowa ni Alex sa ating dalawa ha?" natatawa niyang tanong

"Wala, hindi naman kasi niya ko jowa talaga."

Yun sana ang gusto kong sabihin pero pinili ko na lang manahimik.

"Cris you know what, pwedeng pwede mo naman siyang tawagan kung gusto mo." seryoso niyang sabi na dahilan kung bakit napaiwas ako ng tingin.

Tila ba may ideyang pumasok sa utak niya na dahilan kung bakit tila ba may di siya maunawaang ekspresyon sa mukha niya ngayon.

Tinuro niya ako, at tila ba nabigla o nang aakusa ang ekspresyon ng muka niya ngayon.

"Don't tell me wala kang number niya?" mabilis naman akong umiling sa katanungan niya.

Napabuntong hininga ako.

"Meron naman. Kaso sinubukan ko siyang tawagan, hindi naman niya ko sinasagot."

Naubos na nga yung load kaka-text sa kaniya at expired na yung load ko di pa rin niya sinasagot ang tawag at text ko.

"Ikaw lang talaga yung naisip kong pwedeng makaalam kung nasaan siya." nahihiya kong pag-amin. Nakakahiya ngang kinakailangan pa niya kong puntahan sa coffee shop na to para lang tanungin siya kung nasaan si Alex.

"Nung nagkwento si Alex sa akin akala ko naman maliit na misunderstanding lang or lover's quarrel yung meron kayo. But it looks like mas grabe pa pala to sa inaasahan ko."

"Lagot talaga ako kay Alex pag sinabi ko sayo kung nasaan siya." ani niya bago niya kunin ang phone niya sa kaniyang bag.

"But since parang di mo na kakayaning di siya makita," muli siyang natawa "Ito ang address kung nasaan siya ngayon." pinakita niya sa akin ang message ni Alex sa kanya bago niya tuluyang i-send sa akin ang address nito.

"Masyado mo namang miss si vakla, parang masyado ka nang sleep deprived, puntahan mo na agad." nakangiti niyang sabi bago magpaalam.








Kinakabahan kong tinititigan ang pintuan sa harap ko. Kanina pa ko nakatitig dito at sa tatlong numerong nakalagay dito.

Yung address na binigay sa akin ni Karylle ay condo unit pala ng tito ni Alex. Ayaw pa nga akong paakyatin ng receptionist kanina, kaya tinawagan ko muli si Karylle para magpatulong.

"Cris hanggang kailan mo ba tititigan yung pinto na yan. Baka ma-in love na yan sayo." alam kong mukha na kong baliw dito na kinakausap ang sarili ko.

At malamang aa malamang kung may makakita man sa akin baka magpatawag na ng guard para patalsikin ako sa building na to.

Itinaas ko ang kamay ko para pindutin ang doorbell ngunit muli na naman akong sinumpong ng kaba kaya ibinaba ko na lang ulit ito.

"Mukha ka nang gago Cris dito, kay ituloy-tuloy mo na lang tong kagaguhan na to at pindutin mo na yung doorbell na yan." muli kong saad sa sarili ko.

Tingin ko pag tumagal pa ko dito baka tuluyan na kong mabaliw.

Tumalon-talon ako para maipagpag ang kaba ko. Nang ramdam kong kumalma na ang tibok ng puso ko agad kong pinindot ang doorbell.

Naghintay ako ng ilang saglit pero walang taong nagbukas ng pinto at walang Alex na lumabas mula dito.

Siguro nga gusto talaga ni tadhana na di muna kami magkita ni Alex.

Naghintay muna ako ng ilang sandali bago tuluyang talikuran ang pintuan na yun.

Nagbaka sakali lang naman ako na makita siya dito. Pero baka nga hindi pa ngayon ang tamang panahon.

Napatigil ako sa paghakbang ng may marinig akong pag bukas ng pinto.

At sa paglingon ko ay pagkadismaya lang ang nakuha ko ng makitang mula pala yun sa kabilang unit.

Nag-iwas na kong ng tingin ng tinignan ako ng may-ari ng unit na yun. Nakakahiya na talaga tong ginagawa ko.

Pero para bang may pumipigil sa akin na umalis sa lugar na yun.

Muli akong bumalik sa harapan ng condo unit ng tito ni Alex. Sabi ni Karylle nandito daw si Alex. 

Ang tagal na nung huling pagkikita namin. Ayoko namang masayang ang lahat ng ginawa ko at ang pagtulong sa akin ni Karylle para lang makausap siya.

Umupo ako sa harap ng unit nito at isinandal ako likuran ko sa pinto.

Bahala na, basta maghihintay ako dito. Kahit abutin pa ko ng ilang oras o hanggang sa makita ako sa CCTV ng security at patalsikin ako dito.

Isinalpak ko ang earphones ko sa aking tenga at pinatugtog ang paborito kong kanta para mawala ang pagkabagot ko.

Isang oras na rin pala ako dito.

Ipinikit ko ang aking mata habang nakikinig at sinubukang isipin kung ano ang aking sasabihin pag nagkita na kami ni Alex.

Maya-maya pa ay tila ba gumalaw ang pintuan na sinasandalan ko o baka dahil sa pagod ay nag iimagine na lang ako ng bagay-bagay.

Nanatili akong nakapikit hanggang sa tuluyan akong matumba nang buksan ang pintuan na sinasandalan ko.

Si Alex.

Nasa harap ko si Alex.

Mali.

Nasa ibaba ako ng pagitan ng hita ni Alex habang nakahiga sa malamig na sahig.

Shit napakagandang posisyon nga naman nito para sa muli naming pagkikita.








Hanash ni Author:

Miss niyo ko? HAHAHAHAHAHAHAH Sorry na baby. Promise babawi ako. Salamat sa votes and comments na appreciate ko sobra. Love you HAHAHAHAHAH




You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon