CHAPTER FORTY-TWO

232 20 15
                                    

Cris

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko guguho ang inaapakan ko sa isang maling galaw.

"Anong kontrata ang sinasabi niya, Crisostomo?" galit na saad ni sir Joey

Agad ko namang kinuha ang sinasabi niyang kontrata at pinaalis ang empleyado ni sir Patrick.

"Sir-" naputol ang sasabihin ko nang lumapit siya sa akin.

"Sagutin mo ang tanong ko. Anong kontrata ang sinasabi niya?"

Mukhang ito na 'to. Hindi ko na maisasalba ang sitwasyon na 'to.













"Kailan pa? Kailan pa nagsimula ang contract na 'to?" bungad na tanong ni sir Joey nang inabit ko sa kaniya ang kontrata.

Para bang ibang tao ang nasa harap ko ngayon. Parang hindi siya ang boss na nakilala ko.

Ito yung tatay na naargrabyado ang anak.

At wala akong karapatang magreklamo, dahil naargrabyado ko naman talaga ang anak niya.

"Halos isang buwan na po bago ang party niyo. Bago po kami pumunta dito ni Alex." matapat kong sagot.

Wala nang dahilan para magsinungaling pa ako.

Hindi ko naman maaayos ang relasyon namin ni Alex kahit pa magsinungaling ako ngayon kay sir Joey.

"Ganung katagal niyo na pala kaming niloloko," saad niya at maiging binasa ang kontrata.

"Anong dahilan mo, Crisostomo? Ipaunawa mo nga sa akin kung bakit mo ginawa 'to." panandian niyang inangat ang tingin niya sa akin at hinintay ang ang magiging kasagutan.

"Trabaho lang po ang lahat," sagot ko.

Tinignan niya ko na para bang may alam siyang hindi ko nalalaman.

Para bang alam niyang nagsisinungaling lang ako.

Pero may magbabago ba kung sabihin kong minahal ko si Alex?

"Trabaho? Pera? Pera lang ba talaga ang dahilan?" tanong niya at sa pagkakataong ito para bang gusto niya lang makasigurado.

"Hindi mo ba talaga minahal ang anak ko?" dagdag pa niya

Gusto kong umiling. Gusto kong itago na lang kung ano man ang nararamdaman ko kay Alex. Kasi tapos naman na ang lahat.

Tapos na ang kontrata, tapos na rin ang relasyon namin.

"Kahit na katiting na pagmamahal, wala ba?" muling tanong niya

Nilapag niya ang kontrata sa mesa at makahulugan akong tinignan.

"Trabaho ko po ito," sagot ko.

Kahit ako ay alam na kasinungalingan lang ito. At umaasa ako na sana nga yun na lang ang totoo. Sana nga trabaho lang 'to at hindi ko totoong minahal ang taong dapat client ko lang.

"Alam mo, noong una kayong pumunta dito akala ko talaga nandito ka para magpakilala nang boyfriend ni Cassandra." napayuko ako dahil sa sinabi niya.

"Paano niyo po nala-" naputol ng tawa ni sir Joey ang itatanong ko.

"Paano ko nalaman?" natatawa pa rin niyang tanong

"Hindi naman ako pinanganak kahapon, Crisostomo. Nung simula pa lang alam ko na ang namamagitan sa inyo ng anak ko." muli akong napatingin sa kaniya

Anong ibig niyang sabihin?

"Kahit ano pang tago ang gawin niyo, pilit talagang lumalabas ang pagmamahal niyo sa isa't isa. Bakas sa bawat tingin at galaw niyo." tumayo siya at lumapit sa ref.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon