CHAPTER THIRTY- FIVE

259 21 3
                                    

"Hi, Cupid!" masayang pagbati sa kaniya ni Cassandra.

Kung may isang bagay man na hindi kayang kalimutan ni Cris, yun ang ngiti ni Cassandra.

Paano nga ba niya makakalimutan ang ngiti na dahilan kung bakit siya nahulog sa kaniya?

Paano niya makakalimutan ang ngiting nagpapagaan lagi ng loob niya?

Ilang taon rin siyang pinalakas at pinasaya ng ngiti na yan.

Ilang beses rin siya paulit-ulit na nahulog sa mga ngiti niya.

At paulit-ulit niyang minahal ang ngiti na yan.

Hanggang ngayon nakatatak pa rin sa isip niya ang unang araw na nakita niya ang ngiti na yan, ang unang araw na nalaman niyang gagawin niya ang lahat upang mapanatili siyang masaya para walang araw na hindi niya makikita ang ngiti niyang bumubuo ng kaniyang araw.



















Limang taon matapos mamayapa ng kaniyang ina, ngayon lang ulit lalabas sa publiko si Cris kasama ang tatay at kapatid niya.

Hindi na niya maalala kung kailan ang huling beses na ngumiti siya.

Ngayon kasi nasa harap siya ng kamera. Pinipilit siyang ngumiti ng mga media na para bang ikabubuhay nila kung makikita nilang nakangiti siya.

Gustuhin man niyang ngumiti para sa kanila ay wala siyang makuhang dahilan para ngumiti.

Samantalang ang kaniyang ama at kapatid ay ngiting-ngiti sa kamera na akala mo talaga ay mga walang pinagdadaanan.

Ito nga naman ang pinunta nila dito. Ang magkunwaring masaya. Pero sa loob ng limang taon, ni minsan ay hindi naman talaga sila naging masaya.

Ni hindi na nga sila nagkikita-kita. Kung magkakasama naman sila ay para bang pare-parehas lang silang walang presensya. Walang pakealam sa ginagawa ng bawat isa. Sapat na naalam nilang buhay sila.

Hindi kailangan mag-usap kung wala namang importanteng pag-uusapan. Pero yun ang problema, hindi niya alam kung ano na nga ba ang depinisyon sa kanila ng salitang importante.









You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon