CHAPTER TWENTY ONE

336 26 27
                                    

Naaalala niyo pa ba yung nangyari last chapter? Alalahanin niyo lang HAHAHAHAHAH nangyari to sa before ng ibang mga pagyayari dun.

Cris

Matapos umamin sa akin si Alex na gusto niya ko, nagising na lang ako na si nanay Nancy na lang at ako ang nasa bahay niya.

Umalis daw siya ng maaga. Hindi man lang nagpaalam sa akin.

Alam ko namang para sa kanya biro lang yun, pero para sa akin hindi.







Hindi dahil gusto ko na siya, kundi dahil naguguluhan na rin ako sa nararamdaman ko.






Pagkatapos kong mag-almusal kasama si nanay Nancy ay dumiretsyo na ko sa mansion nila Alex.

Napakatahimik ng paligid.

Nasa eskwelahan na raw ang mga bata sabi ng isa sa mga kasambahay nila, samantalang ang mga magulang nila Alex naman ay nasa kumpanya na.





Hindi pa rin ako mapalagay sa nangyari. Dapat bang tanggapin ko na lang rin yun bilang biro?


Pero iba kasi talaga ang ekspresyon ng mukha niya kagabi.

Dapat ko bang bigyan yun ng kahulugan?



Sumasakit ang ulo ko kakaisip kaya minabuti kong humiga muna sa aking kama at ipikit ang aking mga mata baka sakaling makatulog ako.





Napamulat ako ng may labing dumapi sa labi ko.





"Hi love," bati sa akin ni Cassy

Napaayos ako ng upo dahil dun.

Nananaginip ba ko?





"Hey are you okay?" tanong niya at hinawakan ang noo ko

"Wala ka namang lagnat, may masakit ba sayo?"

Nananaginip nga siguro ako.

Umiiling ako bilang sagot.



"I'm sorry, may emergency lang talaga kagani sa kumpanya kaya kailangan kong puntahan agad si daddy, hindi tuloy kita naiuwi dito." saad niya

Napakunot naman ang noo ko.

Ano bang sinasabi niya?

"Hindi mo maalala?" tanong niya ng makitang naguguluhan ako at muli niya akong hinalikan





Iba ang halik na ito kaysa kanina.





Parang pamilyar





Para tulad nung kagabi





"Naalala mo na?" nakangiti niyang tanong "Sabi mo tuturuan mo ko ng tamang paghalik."




Si Cassy yun?




Hindi si Alex?








Tinitigan ko lang siya hanggang sa bumalik sa akin ang lahat ng nangyari.







Si Cassy nga ang unang dumating kagabi.




Siya nga ang hinalikan ko.







Pero nakatanggap siya ng tawag at nagmamadaling umalis.


Nanatili lang ako sa labas ng bar ni Billy hanggang sa dumating si Alex.





"Sorry, hindi ko dapat ginawa yun." saad ko




"Nagsisisi ka ba?" tanong niya


Nagsisisi nga ba ako?

Pero alam kong mahal ko siya.

Naguguluhan lang ako pero alam kong mahal ko pa rin siya.









Bakit pakiramdam ko nagtataksil ako kay Alex?

"Tayo na ba ulit?" tanong ko at ngiti lang ang isinagot niya sa akin





Kami na ulit?



"Paano si Alex?" tanong ko matapos ang ilang minutong katahimikan.

Seryoso niya akong tinignan at bakas sa kanya ang lungkot.

Huminga siya ng malalim bago nag iwas ng tingin.

"Alam kong masasaktan si kuya pag nalaman niya ang tungkol sa atin." saad niya

"Bale isang gabi lang pala yun, tapos wala na."

"No," saad niya at umiiling

"I love you Cris, I really do. Ayoko nang mawala ka ulit sa akin, pero ayoko ring masaktan si kuya." nakikita ko ang namumuong luha sa kaniyang mga mata

"Nasaktan na siya noon dahil sa akin, hindi ko na kakayanin kung maulit pa yun."

Ito na ata talaga ang kapalaran ko, ang di piliin.

"Papakawalan mo lang ulit ako?" tanong ko bago tumayo

Ayaw ko nang marinig kung ano mang ang magiging desisyon niya dahil alam ko namang lagi lang akong pangalawa sa pagpipilian niya.

Hinawakan niya ang aking kamay para pahintuin ako sa pag-alis.

"Hindi, hinding- hindi na mangyayari yun," saad niya at mas hinigpitan niya ang hawak sa aking kamay

Tumayo Rin siya at humarap sa akin.





"Please Cris wag mo na kong iwan," saad niya at tuluyan nang naglandas ang kaniyang mga luha

Pinunasan ko ang mga ito gamit ang aking hinlalaki




"I love you, pero kailangan ka rin ni kuya."











"I know na hindi talaga kayo," sabi niya na ikinagulat ko

Paano niya nalaman yun?

Masyado ba kaming halata ni Alex?








"I saw you sa isang app, the Grab Boyfie App." saad niya

"Don't worry hindi ko sinabi sa iba," hinawakan niya ang aking mukha "I love you, please wag mo kong iwan."

"Please pasayahin mo si kuya, manatili ka sa kanya hanggang sa end ng contract mo."

"Paano tayo?" tanong ko

"I will always be yours Cris," hinawakan ko ang pisnge niya at pinaglapit ang aming mga mukha "And you're mine."  saad niya bago ko inilapat ang labi naming dalawa.
























"I love you, Xandra."




















Author's Note:

Short update muna. Pangatlong araw na to sunod-sunod HAHAHAHAHA




You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon