Makukulay ang mga ilaw. Maingay ang paligid na napuouno ng malakas na tugtog habang nagsasayawan at nagkakasiyahan ang lahat.
Araw ng selebrasyon.
Dapat masaya rin siya tulad nila.
Dapat siya itong nangunguna sa kasiyahan. Pero ito siya ngayon, nakaupo at nagmumukmok sa sulok.
"Xandy, ano na? Hindi ka na ba gagalaw dyan?" pang ilang ulit nang tanong ni Karylle sa kaniya.
Ilang beses na kasi siya nitong niyayang sumama sa kanila sa dance floor para makipagsayaw sa iba pang mga bisita.
"Teh ano magmumukmok ka na lang dyan?" tanong din ni MC at umupo sa tabi niya.
"Lalangawin ka na lang dyan, teh. Bakit di mo na lang kami gayahin?" ani naman ni Lassy na nakapamewang na ngayon sa harap niya.
"Kung ikaw lang rin naman yung gagayahin wag na lang." pangbabara niya.
Hinayaan niya lang ang nga kaibigan niya at nagpatuloy sa pagmamasid sa paligid.
Dumadami na ang mga bisita sa party niya.
Pero kung tutuusin hindi naman niya to party. Party to para sa successful project nila ng tito Franz niya.
Kaya karamihan sa mga bisitang pumupunta dito ay mga model na nakatrabaho na ng tito niya.
Yung iba nakasama na niya, yung iba naman ngayon niya lang nakita. At sa dami ng taong nandito, iisang tao lang naman ang gusto niyang makita.
"Seryoso na kasi, Xandra. Ayaw mo ba talagang mag-celebrate?" nabalik ang atensyon niya sa mga kaibigan niya.
Akala niya iniwan na siya ng mga ito para bumalik sa dance floor pero nagsiupo pala ang mga ito sa tabi niya.
Muli niyang tinignan si Karylle.
"Tara na, Xandy," pagyaya nitong muli sa kaniya.
"Ang daming ibang lalaki dyan," saad pa ni MC habang tinitignan ang mga tao sa baba nila.
Dapat talaga nasa baba sila ngayon. Sa VIP table kung sana malapit sa dance floor at madaling makita ng mga tao.
Pero ngayon, gusto niyang manatili lang sa taas ng bar kung saan kita niya ang lahat at hindi siya madaling makikita ng mga tao.
"Nandyan din si Ian, teh." saad naman ni Lassy at itinuro ang nasabing lalaki.
Nakita niya itong palapit sa VIP table kung nasaan ang tito niya.
Ngayon niya lang napansin na nandun din si Billy, ang may ari ng bar na ito at kaibigan ng taong hinahanap niya.
Sa kabilang table naman ay napansin niya ang mga kaibigan nito.
Agad siyang napatayo at lumapit sa railings, nagbabaka sakaling makita ang taong hinahanap niya.
"Ano nagbago na ba ang isip mo?" nakangiting tanong ni Karylle sa kaniya ng makalapit ito.
Nakakasilaw ang mga ilaw. Sobrang tingkad ng mga ito pero pilit niya pa rin sinisipat kung nandun ang taong hinahanap niya.
Dahil yun naman talaga ang dahipan kung bakit siya nandun.
Alam niya kasing kaibigan ng taong hinahanap niya si Billy kaya naman nang tinanong siya ng tito Franz niya kung saan niya gustong ganapin ang victory party nila ay ito agad ang unang lugar na sinagot niya.
Akala niya kasi makikita na niya dito ang taong matagal na niyang hinahanap.
"Mauna na kayo, susunod ako," saad niya at nagpatuloy pa rin sa paghahanap.
BINABASA MO ANG
You're Mine
Acak"Ayoko ng kaagaw! Mapalalaki man o babae pa yan, ayaw kong lalapitan ka. Mahal kita, kaya akin ka lang. Remember YOU'RE MINE, just MINE!" "Mahal kita, mahalin mo rin ako unting respeto naman! Kapag sinabi mo na na mahal mo ko, YOU'RE MINE, 'TILL INF...