Cris
"Maalaala mo kaya, ang sumpa mo sa 'kin..." Sabado na ba? Gabi na agad? Eh kakagising ko lang.
Pinilit kong buksan yung mga mata ko.
Maaraw pa naman. Sa pagkakaalala ko hindi pa naman sabado. Bakit narinig ko na yung theme song ng MMK? Favorite song ba yun ni Sungit?
"Sungit! Sungit good morning!" sigaw ko habang pababa sa sala. Nasaan na ba yung sungit na yun? Baka nagpapalit pa ng napkin, kasi araw-araw naman yung may dalaw.
Pumunta na lang ako sa kusina.
"Uy, himala may paalmusal si Sungit." sa isang linggo ko sa bahay na 'to, kahit isang beses hindi ko naranasan na magpaalmusal si Sungit.
Isang linggo na wala akong kasama sa bahay na 'to. Pagkagising ko wala na siya tapos tulog na ko pag dumating siya. Hindi ko pa nga yun nakakausap ng matino. Ipinakita lang niya sa akin yung kwarto ko tapos tinawag akong antipatiko at biglang walk out na. Ganun yung ginawa niya nung first day ko dito.
Pero ok na rin. Parang akin yung bahay tapos unti-unting move- on na rin kay Cassy, I mean Sandra.
"Baklang masungit!" sigaw ko
Paano ba naman kasi! Nakakagulat yung nangalabit sa akin. Isang matandang babae na sa palagay ko ay 60s or 70s na.
"Sir magandang umaga po."sabi niya
Ngayon ko lang siya nakita dito.
"Sino po kayo Nay?" tanong ko sabay tingin sa hawak niyang laundry basket. Hayep! Mala-bundok yung labahin.
"Ay Sir, ako po si Nancy. Labandera po ako ni Xandra. Manang Nancy na lang po ang itawag niyo sa akin." sabi niya sabay ngiti.
Nakakailang na tawaging 'Sir', kaya sinabi ko na wag niya na lang akong tawaging ganun.
"Ayan po ba yung lalabhan niyo?" masyado naman kasing madami yung mga labahin. Parang 'di na kakayanin ni nanay.
"Oo 'nak, medyo marami-rami nga ito."nakangiti pa rin siya. Naaalala ko sa kaniya yung nanay ko.
"Nay ako nang bahala dyan, maupo na lang po kayo."kinuha ko yung laundry basket. Ako na lang yung maglalaba ng mga damit ni Sungit. Baka makalas pa yung mga buto ni nanay.
"Pero 'nak ako na dyan. Mahirap maglaba." naglakad na ko papuntang banyo dun ko na lang 'to lalabhan, hand wash na lang para mas mahirap este para iwas sira. Baka masira ko pa 'to.
"Wala na pong pero-pero. Sige na po, panoorin niyo na lang po ako."
Ang dami na naming napag-usapan ni nanay. Ayaw daw ni Sungit na maglaba siya pero gusto niya daw pagsilbihan si Sungit, na parang anak na rin daw niya.
"Anak kaano-ano ka ba ni Ma'am Xandra?" tanong niya. Napatigil ako sa kakakusot ng mga damit. Isang oras na ko dito pero 'di pa rin 'to tapos. Tinignan ko si nanay. Ano nga ba kami ni Sungit?
"Boyfriend niya po ako." Tama, boyfriend niya ko, yun ang trabaho ko.
"Buti naman at may mag-aalaga na muli sa kanya. Nag-aalala na 'ko sa batang yan, kasi mas inuuna pa ang iba kasya sa kanya."mangiyak-ngiyak na sabi niya.
"Mas inuuna niya ang iba?"tanong ko.
Si Sungit? Inuuna ang iba? Sigurado ba si nanay sa kilala niyang version ni Sungit?
"Oo ganoon na nga. Mukha lang siyang masungit at matapang pero napakabait niyang tao."
Si Sungit ba talaga yun? Mabait pala si Sungit? Di halata.
BINABASA MO ANG
You're Mine
Random"Ayoko ng kaagaw! Mapalalaki man o babae pa yan, ayaw kong lalapitan ka. Mahal kita, kaya akin ka lang. Remember YOU'RE MINE, just MINE!" "Mahal kita, mahalin mo rin ako unting respeto naman! Kapag sinabi mo na na mahal mo ko, YOU'RE MINE, 'TILL INF...