CHAPTER FORTY

272 22 9
                                    

Cris

"Kasi mahal kita, Cris" saad niya kasabay ng kaniyang pagluha.

"Mahal?" tanong ko. Pagmamahal ba yun?

Matatawag bang pagmamahal yung ginawa niya?

"Mahal mo ko kaya nagawa mo yun?" hindi ko mapigilan ang sarili kong itanong ito dahil naguguluhan ako.

Pagmamahal bang matatawag yun?

"Anong klaseng pagmamahal yan?" muling tanong ko nang hindi siya umimik.

Nakatingin lang siya sa akin habang naglalandas ang kaniyang mga luha.

Gusto ko siyang yakapin at bawiin ang bawat salitang nasabi ko sa kaniya pero hindi ko kaya, kasi itong taong nasa harap ko ngayon parang hindi ko na kilala.

"Wala kang karapatang kwestyunin ang pagmamahal ko," saad niya at kusang pinunasan ang kaniyang mga luha gamit ang kaniyang kamay.

"Mahal mo ko kaya nagawa mo kay Sandra yun?" tama siya, wala akong karapatang kwestyunin ang pagmamahal niya, dahil sa lahat ng nakilala ko, siya ang unang nagparamdam ng pagmamahal na hindi ko mahanap sa iba.

Pero hindi ko lubos maisip na magagawa niya yun sa sarili niyang kapatid.

Sarili niyang dugo at laman.

"Kapatid mo yun," pagbibigay diin ko.

Dahil ang kilala kong Alex, masungit, oo. Parang laging galit sa mundo. May hindi pagkakaindihan sa pamilya pero labis magmahal.

Kahit pa parang tinalikuran siya ng mundo, handa pa rin siyang magmahal at mag-alaga ng ibang tao.

Katulad ng pinakita niyang pagmamahal kay nanay Nancy at sa kaniyang mga apo.

Katulad ng pagmamahal niya sa kaniyang mga kaibigan at kay tito Franz.

Katulad ng pagmamahal niya sa kaniyang magulang kahit na minsan na siyang tinalikuran.

Katulad ng pagmamahal niya kay Cassandra kahit na may hindi sila pagkakaintindihan. Dama ko kung gaano niya kamahal si Sandra bilang kapatid.

At katulad ng pagmamahal niya sa akin. Sa akin na hindi naman niya lubos kilala pero minahal ako pati na rin ang mga pamangkin ko.

Minahal niya ako nang walang hinihintay na kapalit. Minahal niya ako at hinintay dahil alam niyang hindi pa ko handang magmahal muli.

At ilan lang yan sa mga dahilan kung bakit ko siya minahal. Kung bakit siya ang pinili ko.

Pero ngayon, naguguluhan na ko.

Tama ba ang pagpili ko?

Tama ba ang pagkakakilala ko sa taong nasa harapan ko?

"Wala ba akong karapatang magalit, Cris?" mariing tanong niya.

"Wala ba akong karapatang gumanti?" dagdag niya at muling pinunasan ang kaniyang mga luha.

"Kasi Cris ang sakit-sakit na." saad niya sa pagitan ng kaniyang paghikbi.

"Nagmahal lang ako, Cris. Minahal ko sila ng sobra pero tinaboy nila ako, ng sarili kong pamilya. Dahil sa ano? Dahil bakla ako."

Maraming taong nagtitinginan sa amin pero siya lamg ang iniintindi ko.

Ngayon ko lang siyang nakitang ganito.

"Bakla ako kaya ang dali-dali lang para sa pamilya kong talikuran ako. Pero ayos lang kasi nahanap ko naman si Rence."

Si Rence na ex niya. Ang dahilan kung bakit ako nandito. Kung bakit kami nagkakilala.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon