CHAPTER SEVEN

587 36 21
                                    

Cris

"Totay!" masayang sambit ng mga bata kasabay ng patakbo nilang pagyakap sa akin.

Na-miss ko 'tong mga 'to. Ang tagal din naming 'di nagkita.

Masaya kaming tinignan ni nanay Nancy siguro dahil nakikita niya sa mga bata ang sarili niyang mga apo. Samantalang si Alex naman ay may nakakairitang ngisi ngayon.

Binigyan ko siya ng tingin na nagtatanong.

"Tignan mo pati mga bata sinasabi na jutay ka," sabi niya at makahulugang tinignan ang nasa pagitan ng mga hita ko.

"Totay kasi yun!" paglilinaw ko "Pinagsamang tito at tatay."

"Totay ang gara naman po ng bahay niyo." sabi ng batang lalaki habang iginagala ang kanyang mga mata sa paligid ng bahay.

"Totay sino siya? Landlord niyo po?" tanong naman ng batang babae kasabay ng pagturo kay Alex.

Paano ko nga ba siya ipapakilala sa mga bata?

Bago pa ko makapagsalita, siya na mismo ang nagpakilala sa sarili niya. "I am Alexandra but you can call me Xandra."

"Magandang gabi po kuya Alexander." sabay na pagbati ng mga bata.

"Kuya Alexander? Ako kuya?" bulalas ni Alex. Agad namang nagtago ang dalawang bata sa likuran ko, siguro nagulat sila kay Alex.

"Sa iksi ng damit ko, sa putok na putok kong blush on at red na red na lips tatawagin niyo kong KUYA ALEXANDER?" napayakap na lang ang dalawang bata sa hita ko at humingi ng paumanhin sa kanya.

"Alex wag mo namang takutin yung mga bata." pagsaway ko nang pandilatan naman niya ng mata ang dalawang bata.

Humingi rin ng paumanhin si Alex sa dalawa at sinabing nagbibiro lang siya.

Para bang ang bait niya bigla nung dumating yung mga bata. Siya pa mismo ang nag-aya sa kanila na kumain dahil halata daw nagutom na ang mga ito.

"Teka nga sino nga ulit kayo?" tanong ni Alex sa kanila.

Kanina pa sila nagkwekwentuhan at kanina pa ko nakangiti habang tinitignan sila.

Para kasing ibang Alex yung nasa harap ko ngayon. Ito yung version ni Alex na 'di ko pa nakikita.

Sa dami nilang pinag-usapan, naitanong na nga yata ng mga bata ang buong talambuhay niya.

Pero ngayon niya lang na-realised na hindi niya pa natatanong ang pangalan ng mga batang kausap niya.

"Ako po si Josh." pagpapakilala niya kasabay ng pagturo sa sarili. "Tapos po siya naman po si Xia ang kapatid ko po." dagdag niya pa at itinuro ang kapatid niya.

"Nephew and niece po kami ni Totay." dagdag naman ni Xia at muling kumagat sa kinakaing fried chicken.

"Kayo po sino po kayo?" tanong naman ni Josh at muling bumalik sa kanyang pagkain.

Nagtinginan kami ni Alex dahil sa tanong ni Josh. Hindi niya rin siguro alam kung paano niya ipapakilala ang sarili niya sa mga pamangkin ko.

"Boss niya ko." sabi ni Alex na tinawanan ko

Naalala ko kasi yung unang pagkikita namin, sinabi niya rin sa akin na boss ko raw siya matapos ko siyang pag tripan.

Nagtatakang tinignan ako nila Josh at tinanong kung ano raw ang nakakatawa sa sinabi ni Alex.

"Itinatanggi kasi ako ng girlfriend ko." saad ko.

Nagtinginan ang dalawang bata at sinipa naman ni Alex ang paa ko sa ilalim ng mesa.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon