CHAPTER THIRTY-SIX

295 24 9
                                    

Sa gitna ng magarbong lugar, sa gitna ng mga mahahalagang tao sa lipunan at sa gitna ng nagsasayawang mga ilaw at malumanay na musika, naroroon sila, dinadama ang bawat sandaling magkasama.

Siguro para sa iba ito ang isa sa mga nakakakilig na pangyayari, na para bang tulad ng isang eksena sa pelikula. Kung saan aaminin na ng bidang lalaki ang pag-ibig niya sa bidang babae.

Pero sa pagkakataong ito, iba ang nais gawin ni Cris.

Habang ang mga kamay niya ay nakahawak sa beywang ng dalaga, ibang tao ang nasa isip niya.

Habang tinititigan ang ngiti sa mga labi ni Cassandra na minsan nang naging dahilan ng pagkahulog niya, ibang tao ang pinaplano niyang pangitiin ngayon.

Habang sila ay magkasayaw at magkalapit ang mga katawan, ibang tao ang gusto niyang hagkan.

Sa lahat ng iniisip ngayon ni Cris ibang tao ang kasama niya. Ibang tao na ang nais niyang makasama sa mga binubuo niyang pangarap.

Ibang tao na ang kaniyang pangarap.

Na para bang wala siyang ibang gustong gawin ngayon kundi ang tumakbo papunta sa taong yun at takasan ang maingay na patitipong ito.

"Lalim ng iniisip ah," pabirong saad ni Cassandra nang mapansing hindi na nakikinig si Cris sa kaniyang ikwinikwento.

"Ha?" tanong ni Cris

"Sabi ko ang lalim ng iniisip mo, para bang malulunod ka na." napangiti si Cris sa sinabi ni Cassandra.

Alam niyang ramdam na rin nito na may iba siyang iniisip ngayon, pero nakuha pa nitong magbiro na para bang pinapadama niyang ayos lang kung ano man ang gagawin niya.

"Naisip ko lang yung unang nating pagkikita." saad niya. Hindi naman ito  kasinungalingan dahil iyon naman talaga ang iniisip niya kanina bago maukupa ni Alexandra ang isip niya.

"Charity event rin yun diba?" nakangiting tanong ni Cassandra habang inaalala ang pangyayari sa gabing iyon.

Tumango naman si Cris bilang pag sang-ayon

"Nagwapuhan ka agad sa akin nung gabing yun, kaya pinilit mo kong maisayaw." pabirong saad ni Cris

"Ikaw pinilit ko? Excuse me, ikaw kaya 'tong titig nang titig sa akin halos buong magdamag."

"See? Hindi mo maitanggi kasi totoo," muling saad ni Cassadra nang tangging tawa lang ang naging sagot ni Cris sa kaniyang sinabi.

Alam nilang parehas kung anong nangyari sa gabing yun. Kung paanong sa isang sayaw lang ay umusbong ang kanilang relasyon.

"Hindi ko rin naman kasi talaga maitatanggi." muli silang nabalot ng katahimikan, parehas na ninaalala ang araw na yun.

"Alam mo bang ikaw ang dahipan kung bakit ako nanatili sa party na yun?"

"Para titigan ako?" pabirong sagot na tanong ni Cassandra.

"Oo," nakangiting saad ni Cris

"Pagkarating na pagkarating mo pa lang kasi sa event at unang pagkakita ko sayo at sa ngiti mo, sinabi ko na sasarili kong worth it pag-aksayahan ng oras ang event na yun para lang makita kita buong gabi."

"That night I knew something was off on you kaya nginitian kita," saad naman ni Cassandra

"Tapos naikwento mo sa akin na ilang taon ka nang hindi ngumingiti and I thought it was ridiculous. How can a person resist to smile for five years? Kaya sabi ko, papangitiin ko 'tong lalaking 'to araw-araw." ani niya pa at malungkot na nginitian si Cris.

"But I failed. Ako ang dahila ng pagngiti mo pero ako rin ang naging dahilan ng pagluha mo." saad niya kasabay ng pagbagsak ng kaniyang mga luha.

Agad naman itong pinunasan ni Cris.

Kinuha ni Cris ang kaniyang kamay at marahan itong hinalikan.

"Wala na yun. Pinangiti at pinasaya mo ko sa mga panahon na magkasama tayo, yun ang importante."

"Napangiti kita," pilit niyang pinipigilan ang oag-agos ng kaniyang mga luha, pero kahit anong pigil niya tuloy-tuloy pa rin ito sa pag-agos dahil sa sakit na kaniyang nadarama.

Ngayong gabi na ito alam na niyang kailangan na niyang oakawalan ang lalaking kaniyang pinakamamahal.

"Pero hindi tulad ng pagpapangiti sayo ni kuya," dagdag niya at pinunasan ang naglalandas niyang luha.

"Ano bang sinasabi mo?" tanong ni Cris.

"I am not blind Cupid, nakita ko kung paano ka ngumiti pag magkasama kayo. Nakikita kong mas napapasaya ka niya." parang hindi niya na kakayaning makuta siyang ganito ni Cris kaya mahigpit niya itong hinagkan.

"Alam kong mas mamahalin ka niya higit pa sa kaya ko." ani niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap niya kay Cris nang pilit nitong kumawala para tignan siya.

"So get her Cris. Get my kuya Alex. Mahal mo siya higit pa sa pagmamahal mo sa akin." huling saad niya bago niya hinalikan ang pisngi ni Cris at iniwan ito sa gitna ng mga nagsasayawang mga tao.

Sa kaniyang paglakad at pagtalikod, alam niyang kailangan na rin niyang talikuran ang pagmamahal niya kay Cris.

Ilang linngo na niyang ramdam ang binabalak ni Cris pero dahil dama niyang mahal pa rin siya ni Cris at meron pa rin itong pag-aalinlangang iwan siya ay minabuti na niyang siya na ang tumapos ng relasyon nila.

Sa kaniyang muling pag-iwan kay Cris ay alam niyang sa pagkakataong ito wala na siyang babalikan.

Pero sa pagkakataong ito, alam niyang iniwan niya si Cris para sa ikabubuti nito. Dahil alam niyang mas mamahalin siya ng kaniyang kapatid at mas sasaya siya sa piling ni Alexandra.












Author's Note:

Sinisipag ako this week kaya nag- update ako ng mga stories ko HHAHAHAHA

Musta? Buhay pa ba kayo? Kung oo, vote and comment naman

And read my collab story with RuinousMystery. Yung part 1 ay "Saved You" sa kaniyang VhoIce Story Collection at ang part 2 naman ay gawa ko entitled "Saving You" sa aking VhoIce Story Collection

This story will be updated within this week depending to the votes and comments. So see you soon!

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon