CHAPTER FIFTY-SIX

154 22 3
                                    

Cris

Halos lahat na ata ng santo natawag ko na at nahingian ng tulong dahil sa takot ko sa pagmamaneho ni Alex.

Kung nung una ay natatakot na ko dahil sa nakikita kong pagmamaneho niya, mas nakakatakot pala pag wala akong makita pero dama ko pa rin kung paano siya magmaneho.

Kaya nang huminto na ang sasakyan ay dun ko lang napansin na kanina ko pa pala pinipihipan ang paghinga ko.

Akma ko nang tatanggalin ang piring ko sa mata ng sawayin niya ako.

"Wag muna, saglit lang," sabi niya at narinig ko ang paglabas niya ng kotse.

Sa totoo lang, kanina pa ako curious kung saan kami pupunta at kung bakit kailangan pa na takpan niya ang mga mata ko.

Kanina ko pa nga gustong tanggalin ang piring ko o kahit silipin man lamg kung nasaan kami pero ayoko namang sirain ang surprise niya.

Tsaka kahit saan man niya ako dalhin ay masaya na ko basta kasama ko siya.

Napaayos ako ng upo nang narinig kong nakabalik na siya sa kotse. Base sa naririnig ko ay binuksan na niya ang pintuan sa side ko at tinulungan ako sa aking seatbelt.

Ngayon ko napansin na naka-adjust pala ang upuan ko kaya siya nagkasya kanina at kaya damang-dama ko rin ang pagharurot niya lalo.

"Tara na," pagyaya niya nang matanggal na niya ang seatbelt ko at maayos na niya ulit ang upuan ko.

"Pwede ko na bang tanggalin ang piring ko?" tanong ko naman nang inaalalayan niya ako sa pagbaba ko sa kotse.

Mula sa naririnig ko para bang nasa mataong lugar kami. Pakiramdam ko nga alam na alam ko ang lugar na 'to kahit pa hindi ko nakikita kung nasaan kami.

Pero sabi ko nga kahit saan naman kami pumunta ayos lang basta magkasama kami.

Gaya nga ng isinulat ko sa journal ko, ang oang pito kong nilista para maging perfect boyfriend ni Alex.

7. Appreciate their efforts.

Kahit gaano pa kaliit na bagay yun basta nag effort siya na ibigay, ipakita o iparamdam sa akin. Ayos na yun. Sasaya na ko. Lalo na kung kasama ko siya at masaya kami.

Inalalayan niya ako sa paglalakad hanggang sa makalayo na kami sa aking kotse.

Habang naglalakad ay nakahawak lamg akong mahigpit sa kamay niya, natatakot na baka madapa kaming parehas.

Nang makadaan kami sa daanang parang mabato ay agad akong napahawak sa beywang niya.

"Tyansing ka," biro niya at sinamahan pa ng pagtawa.

"Nakakatakot kasi baka madapa tayo," saad ko naman at hinigpitan ang paghawak sa beywang niya.

"Ay hindi kita papayagang mahulog sa iba, akin ka lang," saad naman niya na nagpangiti sa akin.

Sasagot pa sana ako nang huminto na kami.

Pakiramdam ko napakaraming taon sa paligid at tinanggal na ni Alex ang pagkakahawak ko sa kaniya.

Sinubukan ko siya hanapin pero agad naman niya akong hinalikan sa pisngi para ipaalam na nandun lang siya.

"Hindi naman kita iiwan," ani niya.

Maya-maya pa ay tinanggal na niya ang piring ko sa mata.

Sa aking pagmulat ay medyo napakurap pa ako sa liwanag ng paligid.

Pero nang makapag-adjust na ko ay nakita ko na ang paligid namin.

"Welcome back, Cris!" sigaw ng mga dati kong kapit-bahay.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon