CHAPTER FIFTY-TWO

187 21 9
                                    

Cris

Hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko. Pakiramdam ko parang sasabog sa saya ang dibdib ko. Yung tipong sumasayaw ang puso ko.

"Hoy, anong nginingiti-ngiti mo dyan?" tanong ni Alex at saglit na tumigil sa pagtitipa sa phone niya.

Pabiro ko namang sinilip kung anong ginagawa niya sa phone niya.

Binabasa niya pala ang mga comments ng fans niya sa picture niyang kaka-post niya lang.

"Sikat ka pala talaga?" seryoso kong tanong kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na sikat siyang model.

Supermodel pa nga daw.

"Bakit ba kasi ayaw mong maniwala? Sa ganda kong 'to, di ka maniniwala." ani niya at tinuro ang sarili.

Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"Hindi ko lang lubos maisip na itong ka-holding hands ko ngayon hinahangaan pala ng maraming tao." sagot ko at itinaas ang magkahawak na kamay namin.

"Swerte mo boi, mahal kita," biro niya at kinindatan ako.

Hindi ko na napigil ang sarili ko at mas lumapit sa kaniya hanggang sa napasandal na siya sa kinauupuan niya habang nasa ibabaw niya ko.

"Mas mahal kita," saad ko at tinignan ang mga labi niya.

"Mahal na mahal," sabi ko pa at hinalikan na siyang tuluyan.

Iba pala pag may label na.

Iba pala yung pakiramdam na hinahalikan siya nang hindi dahil sa kontrata.

"Hoy, nakakarami ka na." saad niya at inayos ang pagkakaupo.

Hindi ko naman maiwasang mapangisi.

Ang swerte ko nga naman, mahal ako ng taong 'to.

"Bakit ka ngumingisi? Ano yang smirk na yan, Navarro?" saad niya at tinuro ang nakangisi kong mukha.

"Alis tayo," pagyaya ko at nginitian siya.

"May meeting kami ngayon para sa susunod na fashion show and photoshoot." malungkot na saad niya.

Alam ko namang gusto niya ring magpahinga kahit papaano dahil sunod-sunod na fashion show, photoshoot, conventions, and gala ang pinuntahan niya.

Puro siya trabaho nung mga panahon na magkahiwalay kami.

Habang pinapagod niya ang sarili niya sa trabaho ay nandun lang ako, palihim na nanonood at binabantayan siya.

Kasi kahit naman walang kami, hindi pa rin maalis sa akin na mag-alala sa kaniya.

Napapangiti na lang ako pag naiisip ko ang pinaggagagawa ko para lang makita siya kahit sa malayo.

Tapos ngayon ito na, magkatabi na kami ulit at magkahawak-kamay.

"Wag kang mag-alala nagpaalam na ko kay tito Franz." nakangiting saad ko.

Habang natutulog kasi siya tinawagan ko na si tito Franz para makasigurong maayos ang schedule ngayon ni Alex at tinanong ko na rin kung pwedeng i-reschedule lahat ng gagawin niya ngayon.

Napansin ko naman na pinipigilan niya ang pagtawa kaya tinanong ko kung anong dahilan ng pinipigilan niyang tawa.

"Nakakatawa kasing alam mo na ngayon kung paano i-pronounce yung name ni tito Franz, samantalang dati France ang tawag mo sa kaniya." bahagya pa nga siyang natatawa sa sinasabi niya.

Aminado naman akong nagkakamali ako noon sa pag banggit ng pangalan ni tito Franz. Pero habang magkahiwalay kami ni Alex ay siya ang pinupuntahan at kinakausap ko para malaman kung kumusta na si Alex.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon