Cris
Kinakabahan talaga ako. Parang sasabog yung dibdib ko sa sobrang kaba.
Nasa tapat na kami ngayon ng bahay nila Alex. Napakalaki ng bahay nila mala-palasyo. Malayong-malayo sa apartment ko noon.
Pero parang pamilyar sa akin yung bahay na 'to. Para bang napuntahan ko na to noon.
"Hoy bakit nanginginig ka dyan?" tanong ni Alex ng makababa siya mula sa kanyang sasakyan.
Tulad ng sinabi niya, nanginginig ngayon ang mga kamay ko. Hindi ko mapigilang kabahan. Para bang sasabak ako sa matinding laban.
"Wag kang kabahan di nangangain ng tao mga magulang ko." natatawa niyang sabi at hinawakan ang kamay ko.
"Pero kung gusto mo sa akin ka magpakain." naka ngisi niyang sabi
Sira ulo talaga 'to nakakakaba na nga tong gagawin namin, nakuha niya pang magbiro.
"Baliw! Nakakakaba naman kasi. Bakit di mo sinabi na ngayon mo ko ipapakilala sa kanila." mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya dala ng labis na kaba.
"Ngayon kasi dumating yung bruha kong kapatid kaya biglaan lang rin yung pagpapapunta nila sa atin dito." kaya pala nagmamadali rin siyang umalis ng bar kanina.
Pinipilit kong huminga ng malalim para maalis yung kaba ko.
Paano kung matapobre pala yung mga magulang niya? Paano kung di nila ako magustuhan?
Paano kung mabuko kami?
"Teka first time mo bang ipakilala sa magulang ng grilfriend mo?" tanong niya habang inaayos ang buhok ko gamit ang isa niyang kamay at ang isang kamay naman niya ay hawak-hawak ko pa rin.
Marahan akong tumango bilang sagot sa tanong niya.
"Good, ako palang pala magpapakilala sayo. First time mo to. Gusto mo bang ako rin maging first mo?" maloko na naman niya kong nginitian at nakuha pang kumakat labi.
"Gago! Tigilan mo nga ako! Kinakabahan na ako dito kung ano ano pang sinasabi mo."
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Tingin ko maraming tao sa loob ng pamamahay nila dahil sa dami ng mga sasakyan na nandito sa labas.
"Hawakan mo na lang yung kamay ko." gaya ng sabi niya, hinawakan ko lang ang kamay niya hanggang sa makapasok kami sa loob.
Napakagara ng bahay nila. Tingin ko talaga nakarating na ko dito.
"Bakit ang daming tao?" tanong ko ng makita ang mga taong may kanya-kanyang kumpol.
Tulad ng hula ko, marami nga talagang tao dito pero mas marami ito sa inakala ko.
"Ngayon lang kasi kami bumalik dito. Ilang taon na kaming di umuuwi sa bahay na to." sabi niya at pinagmasdan ang paligid.
Habang tinitignan niya ang kabuuan ng bahay nila, may nakikita akong lungkot sa mga mata niya.
Hindi ko alam kung anong dahilan nun pero isa lang ang magagawa ko, ang hawakan ang kamay niya at iparamdam na nandito lang ako sa tabi niya. Hindi siya nag-iisa.
Nginitian niya ako. Pero agad ding napawi ang ngiti na yun ng may makita siya sa di kalayuan.
"Dito ka lang hahanapin ko lang yung nanay ko." sabi niya bago ako tuluyang iwan dito sa paligid ng kumpol ng mga tao.
Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-stay dito o sumunod na lang kay Alex para naman hindi ako magmukhang tanga dito.
"Hoy Crisostomo!" nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ko. Pero hindi ako lumingon, natatakot ako.
BINABASA MO ANG
You're Mine
אקראי"Ayoko ng kaagaw! Mapalalaki man o babae pa yan, ayaw kong lalapitan ka. Mahal kita, kaya akin ka lang. Remember YOU'RE MINE, just MINE!" "Mahal kita, mahalin mo rin ako unting respeto naman! Kapag sinabi mo na na mahal mo ko, YOU'RE MINE, 'TILL INF...