CHAPTER FORTY ONE

220 18 13
                                    

Cris

Akala ko ayos na kami.

Hindi pala.


Yun na pala ang huling araw na makikita ko siya.




Noong gabing yun, sinubukan ko siyang habulin.


Pero alam kong wala namang magagawa ang paghabol ko sa kaniya.

Parehas kaming mataas ang emosyon at alam kong walang maaayos sa pagitan namin kung magpapadala kaming parehas sa mga emosyon namin.


Kaya bumalik ako sa event at sinamahang umuwi si Cassy.

Sa pag-uwi namin parehas lang kaming tahimik, walang gustong bumasag sa katahimikang bumabalot sa amin.

Sino nga bang maglalakas loob na bumasag ng katahimikan kung ito na lang ang tanging dahilan kung bakit kumportable kahit papaano ang paligid namin.

"Sorry," sabay naming saad.

Mukhang hindi lang ako ang maraming pagsisisi ngayong araw na ito.

"Sorry, Cris." muling saad niya

"Para saan?" tanong ko habang nakatuon pa rin ang tingin sa daan.

"Dahil nasira ko yung relasyon niyo ni kuya." sa pagsagot niyang iyon ay tuluyan na ngang nabasag ang boses niya at naglandas ang kaniyang mga luha.

"I promise, I did not mean it. Alam kong mahal mo na si kuya kaya hindi na ako gagawa ng ikasisira ng relasyon niyo."

Kung may dapat mang masisi sa sitwasyon na 'to, alam kong ako yun. At hindi ko magagawang isisi ang kasalanan ko sa ibang tao. Lalo na sa taong minsan ko ring minahal.

"Wala kang kasalanan dun. Ako ang may kasalanan."

Kung ano man ang nangyari sa pagitan namin ni Alex, ako ang may kasalanan. Ako ang nagdesisyon. Ako ang pumasok sa ganitong sitwasyon.

"Hindi ko inintindi ang sitwasyon niya. Hindi ko pinahalagahan ang nararamdaman niya."

Kung sana nakinig ako kay Jian at inintindi ko ang sitwasyon ni Alex, baka siya ang kasama ko ngayon. Baka nagce-celebrate na kami ngayon.

At sa halip na nagsisisi ako sa lahay ng ginawa ko sa kaniya, baka yakap-yakap ko siya ngayon at pinaparamdam kung gaano ko siya kamahal.

Kung tama lang sana ang naging desisyon ko.










Noong gabing yun, hinintay ko siya. Nag baka sakali akong uuwi siya.

Nag baka sakali akong makikita ko pa siya ulit.

Alam kong wala akong karapatang hingin ang kung ano man sa kaniya: oras, pagkakataon na magpaliwanag o kahit ang tignan man niya. Pero hindi ko maaalis sa sarili kong asamin na makita siya. Kahit alam kong sa huling pagkakataon na.



Noong gabing yun, umuwi siya.

Bakas sa mga mata niya ang labis na pagluha.

Bakas sa kaniya ang pagod.

Gusto ko siyang lapitan.

Gusto ko siyang yakapin.

Pero wala na kong karapatan.

Iniwan ko ang karapatan na yun noong tumakbo ako patungo kay Cassy at iwan siya.

Tinaboy ko ang katapatan na yun noong sinisi ko siya.

Sinisi ko siya sa mga bagay na hindi naman niya ginusto.

Hindi niya ginustong magpalamon sa sakit na naramdaman niya.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon