CHAPTER TWO

1K 37 4
                                    

Cris
Ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari kagabi?

Wala na akong matandaan maliban sa paghihiwalay namin ni Cassy.

"Ano bang nangyari kagabi?" tanong ko na naman. Paulit-ulit ko na 'tong tinatanong kasi kahit anong pilit ko sa sarili ko na alalahanin yung mga nangyari kagabi, wala pa ring nangyayari.

"Naghiwalay na kayo ni Cassy."sagot ni Billy

"Nagpakalasing ka."dagdag ni Juggy

"Tapos?" tanong ko ulit. Lahat naman ng sinabi nila yun lang yung naaalala ko.

"Ibinato mo yung pusang kalye tapos sumigaw ka ng 'PICACHU THUNDER VOLT ATTACK!' " seryosong sagot ni Jhong. Totoo ba yun?

"Change topic nga muna tayo. Anong sinabi mo sa tatay mo, I mean sa tatay ng ex mo?"tanong naman ni Billy.

Naisip ko na yan. Kung ano nga bang masasabi ng tatay ko este ng tatay ni Cassy pag nalaman niya yung nangyari sa amin.

Hindi niya alam na naging kami ng anak niya kaya paano ko sasabihin sa kanya na ang itinuturin niyang pinakamagaling na empleyado at anak- anakan ay nagkaroon ng secret relationship sa anak niya tapos naging fiancee pa at ngayon break na. Paano ko yun sasabihin?

"Nag-leave muna ako ng 3 months." Tatlong buwan lang naman yun pero pahirapan pang mag-leave. Ayaw niya daw kasing hindi makita ang anak-anakan niya sa kompanya niya.

"Pumayag siya?" sabay-sabay na tanong nila

"Ano naman ang kapalit?" tama sila. May kapalit nga ang pag-leave ko.

"300,000 lang ang perang tinira niya sa bank accounts ko." ganyan daw yung ginawa niya para daw makasigurado siyang babalik ako sa kompanya niya .

"Anak ng teteng!"bulalas ni Jhong

"Bakit?"tanong ko. Mukha siyang tanga habang paulit-ulit na naglalakad sa harap namin.

"Nag-withdraw ako sa bank account mo ng 100,000."

"Bakit sa bank account ko pa?!" Shit! 100,000 din yun! Malaking halaga yun para sa akin.

"Kasi naiwan ko yung credit cards ko kaya humiram muna ako sayo. Pinambili ko lang naman ng mga pagkain natin." kahit ano pang paliwanag niya, 100,000 pa rin yung nawala sa akin. Tsaka isang daang libo para lang sa pagkain namin? Gintong pagkain ba yung binili niya?

"Guys I am back!" bumukas ang pinto at iniluwa si Teddy na maraming dalang paper bags.

"Saan ka galing?" tanong ni Jugs

"Sa mall lang, nag-shopping ako para sa celebration ng freedom ni Cris." pinakita niya pa talaga yung mga paper bags na dala niya. Saan naman kaya 'to nakaluha ng malaking halaga pambili niyan?

"Oh nasaan na yung akin?" tanong ni Billy na halatang exicited na sa pinamili ni Teddy

"Ito na yung inyo." iniabot niya sa amin ang lahat ng paper bags maliban sa dalawa. Sa kanya siguro yung dalawa at amin naman itong walo.

"By the way, Cris nanghiram muna ako sayo ng 150,000 para sa mga pinamili ko." natigilan ako sa sinabi ni Teddy.

"150, 000?! Paano nangyari yun?" mamamatay ako ng maaga dahil sa mga kaibigan ko. Kanina 100,000 tapos ngayon 150,000 naman ang kinuha nila sa akin.

"Naiwan kasi ni Jhong yung credit card niya tapos inabot niya sa akin 'tong card mo." sabi niya at pinakita pa ang credit card ko.

"50,000 na lang ang natitira sa akin. Paano na ko nito?" tatlong buwan akong walang trabaho tapos inubos lang nila yung pera ko sa mga bagay na hindi ko naman kailangan.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon