CHAPTER TWENTY FOUR

336 34 0
                                    

Cris

Maaga akong nagising ngayon para maghanda para sa pinaplano kong date.

Matapos kong ayusin ang napakagulo kong kwarto ay agad na rin akong naligo at nag-ayos ng sarili.

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isuot. Sapat na siguro ang pantalon at simpleng t-shirt tutal naman hindi naman kami pupunta sa mamahaling restaurant.

Matapos kong magbihis ay may kumatok sa aking pintuan.

"Totay ayos na po kayo?" bungad na tanong ni Xia nang buksan ko ang pinto.

"Halika na Totay, excited na po talaga kami," saad naman ni Josh.

"Saglit lang," saad ko at muling tinignan ang sarili ko sa salamin.

"Ayos na ba? Gwapo na ba si totay?" bungad kong tanong sa mga bata nang lumabas ako ng kwarto

"Oo naman totay, kahit nga walang ligo gwapo ka rin eh" sagot ni Josh kasunod ng hagikgik

"Totay ayusin niyo po yung buhok niyo para gwapo na po kayo talaga," saad naman ni Xia

"Ako na po ang mag-ayos totay para sure na gwapo talaga ang kakalabasan," muling saad niya

Dali naman akong umupo para maging magkalebel kami at maiayos niya ang aking buhok.

"Ayan totay, ready ka na talagang makipag-date!" huling hirit ni Josh bago nila ako ipagtulakan paalis.





Normal lang naman sigurong kabahan diba? Matagal na rin naman nung huki akong nakipag-date.

Hindi ko lang talaga sigurado kung gusto niya yung ganitong klaseng date.

"Kabado yarn?" agad akong napalingod sa may-ari ng boses na iyon.

"Paanong hindi ako kakabahan eh ikaw ba naman ang kasama ko," pabiro kong saad

"Parang ang gwapo naman ata ng pormahan mo ngayon Antipatiko?"

"Hindi ba pwedeng pumorma ng maayos Sungit?"

Hindi naman ganun kaengrande ang date na plinano ko.

Hindi ko nga alam baka ako lang ang nag-iisip na date 'to.

"Ano bang papanoorin natin?" tanong ni Alex nang makarating na kami sa mall.

Alam kong ang jologs ng date na 'to. Masyadong tipikal.

Plano ko lang naman na manood kami ng sine tapos kumain sa labas.

Hindi sing engrade ng mga naging date siguro niya.

"Horror sana yung gusto kong panoorin." sagot ko matapos tignan ang mga palabas na showing ngayon sa sine.

"Bakit ? Para pag natakot ako, mapapayakap ako sayo?" nagising saad niya na nagpamula ng pisnge ko

"Ang weak mo naman, parang horror movie lang matatakot ka na?" iwas tingin kong sagot

"Action na lang kaya?"

"Kung action lang din naman pala yung gusto mo edi sana 'Ang Probinsyano' na lang pinanood natin sa bahay, wala pang gastos." tulad nga ng iniisip ko agad niyang binali ang suggestion ko.

Bakit ayaw niya bang mapanood ang walang kamatayang si Cardo? Kung sabagay, naghiwalay na lahat ng dating matatatag na relasyon pero si Cardo buhay pa rin kahit ilang bala na ang pinagbababaril sa kaniya.

"RomCom!" sabay naming saad matapos ang ilang minutong pagtingin sa palabas na nakapaskil sa sinehan.

Halos sa buong pelikula wala akong naintindihan dahil nakatingin lang ako sa kaniya.

Natatawa ako tuwing natatawa siya. Mas nakakatawa pa kasi yung pagtawa niya kaysa sa sinasabi ng bida sa palabas.

Nakakahawa yung tawa niya, pati yung mga ngiti niya tuwing kinikilig siya sa mga bida.

Hindi ko naman maiwasang hindi hawakan ang kamay niya habang umiiyak siya sa eksena na paghihiwalayan ng dalawang bida.

Hindi ko nga namalayan na pinupunasan ko na ang mga luha niya.




Nang malapit nang matapos ang pelikula, naramdaman kong may gumagalaw sa bandang likuran ko.

"Ramdam mo yun?" pabulong na tanong ni Alex habang nakatutok pa rin sa pelikula.

"Baka bata lang na nasipa yung upuan natin," sagot ko naman at muling tinuon ang tingin sa screen.

Kasalukuyan nang nagkakaayos ang mga bida kaya napjno ng mga tilian ang sinehan.

Naramdaman kong muli ang pagsipa sa upuan ko.

"Naulit na naman," napasin rin pala ni Alex ang muling paggalaw sa likuran namin.

"Isa pang sipa, susugurin ko na yan," saad niya

Kahit madilim sa loob ng sinehan, alam kong naiirita na ang ekspresyon ng mukha niya ngayon.

"Wag hayaan mo na lang," ani ko at muling hinawakan ang kamay niya para mapakalma man lang siya.

Nang muli na namang may sumipa sa likuran namin.

"Hoy..." agad na nilingon ni Alex ang taong nakaupo sa likuran namin, nung una akala ko ay susugurin na talaga niya pero bigla niyang di tinuloy ang sasabihin niya at bumalik na lang sa panonood.

"Anong nangyari?" nagtatakang tanong ko

" Wag kang lilingon, magbabago ang ihip ng mundo mo," simpleng sagot niya habang nakatutok sa screen

"Anong nakita mo sa likod?" muling tanong ko

"Pag lumingon ka, gagawin din natin yun," madilim man sa sinehan at tanging ang liwanag lang galing sa screen nag nagbibigay ilaw sa amin dito ay nakita ko pa rin ang pag ngisi niya.

"Lumingon ka at magsisisi ka," dagdag niya pa

Bilang curious na rin naman ako kung ano nga ba ang nasa likod namin ay agad akong lumingon.









Tama nga si Alex, nagsisisi na kong lumingon ako kaya dali-dali akong bumalik sa panonood.

"Pag ginawa ko rin yan sayo mapapasipa ka rin naman," nakangising saad niya habang ako naman ay tila hindi na tinatablan ng aircon sa loob ng sinehan.







Author's Note:

Buhay pa naman ako, don't worry HAHAHAHAH

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon