CHAPTER FIFTY-FIVE

170 18 9
                                    

Cris

Matapos ang dalawang araw ay para bang mas lalo ko lang minahal si Alex. Sa loob ng dalawang araw na yun mas nakilala ko siya, nadiskubre ko ang mga bagay na tungkol sa kaniya na hindi ko alam noon.

Itong Alex na nasa harap ko ngayon ay hindi na ang 'Alexander' na una kong nakilala.

Hindi na siya yung inaakala kong lalaki na nakakuha sa akin o yung client kong inaasar ko sa pagiging bakla niya dahil sa napakasungit niya sa akin at dahil akala kong matapobre siya.

Itong Alex na nasa harap ngayon ay ang taong napakarami nang napagdaanan mula sa pamilya niyang hindi siya natanggap agad dahil sa kasarian niya, sa mga lalaking piniling iwan at lokohin siya at sa mga taong mas piniling husgahan lang siya.

Itong Alex na nasa harap kong masayang ngumingiti sa camera at ginagawa kung ano mang sabihin ng photographer ay si 'Xandra' na sikat na model o tinatawag pa ngang supermodel mula sa New York.

Siya si Alex na masungit pero may pinakamagandang ngiti. Pero mas gumaganda ang ngiti niya pag ginagawa niya at pinag-uusapan namin ang mga bagay na mahal niya at mahalaga sa kaniya.

Kaya ngayon ay desidido na kong mas kilalanin pa siya.

Dahil sa bawat bahagi ng pagkatao niyang natutiklasan ko ay mas lalo ko lang siyang minamahal.

Kaya ito na ang pang-anim sa listahan ko.

6. Take interest in the things they're interested in.

Aaminin ko, hindi ko talaga hilig ang humarap sa camera. Kaya nga mas pinili kong hindi ako ipakilala ng tatay ko sa publiko.

Pero masaya akong makita si Alex na nakangiti sa harap ng camera.

Masaya akong makita siyang masaya habang ginagawa ang bagay na gusto niya.

Ngayong sinamahan ko siya sa photoshoot niya para sa isang brand campaign ay nakita ko kung gaano siya kagaling sa ginagawa niya at kung gaano niya kamahal ito. Dahil dito ay mas naging interesado ako sa mga bagay na gusto niya, kabilang na dun ang modeling na pinakamamahal niya.

"Baka naman matunaw na yung pamangkin ko," ani ni tito Franz na tumabi sa akin at tinitignan rin si Alex.

Bahagya akong natawa sa sinabi niya at nagpatuloy lang sa panonood kay Alex.

"Napakaganda niya," tahimik kong saad at nakita ko naman ang pag ngiti ni tito Franz sa tabi ko.

Maya-maya pa ay tinawag na rin siya para asikasuhin ang ilan pa sa kaniyang mga modelo.

Pero bago siya umalis ay tinapik niya ako sa aking balikat at nginitian.

"Ingatan mo ang pamangkin ko," tanging saad niya at nakangiti akong iniwan.

Napangiti na lang rin ako dahil pakiramdam ko ay binigay muli ni tito Franz ang tiwala niya sa akin para mahalin ang pamangkin niya.






Pag-alis niya ay agad naman akong nilapitan ni Alex.

"Gandang-ganda ka na naman sa akin," ani niya at humalik sa aking pisngi.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at ngumiti ng nakakaloko.

"Tapos ka na? Tara uwi na tayo," saad ko at pabiro siyang hinila paalis pero agad naman niya akong piningot.

"Ayan, may masama na namang balak," nakangisi niyang saad at nilagay ang kaniyang mga kamay sa aking balikat.

"Ang ganda-ganda mo ngayon," nakangiti kong saad at nilagay ang aking mga kamay sa kaniyang beywang.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon