CHAPTER ELEVEN

658 29 34
                                    

Cris

Maingat kong ibinaba si Sandra sa kama niya. Hanggang ngayon hindi niya pa rin inaalis ang pagkakayakap niya sa akin.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko ngunit hikbi lang ang tanging naging sagot niya.

"May masakit ba sayo?" umiling siya bilang sagot. Hinaplos-haplos ko naman ang kanyang likod bilang pagpapatahan.

Kanina pa siya umiiyak. Hindi ako sanay na makita siyang ganito. Kung na natili lang kasi siya sa akin, hindi sana siya umiiyak ngayon.

"May gusto ka ba?" muli kong tanong.

Humarap siya sa akin ngunit nakayakap pa rin ang kanyang mga kamay sa batok ko.

Sinagot niya ako ng tango.

Ayoko na ganito kami kalapit. Baka di ako makapagpigil. Mas lalo ko lang siyang namimiss sa ganitong sitwasyon namin.

Pilit kong pinapakalma ng sarili ko. Tila ba sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

Hoy Cris umayos ka!

Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Gusto mong tubig? Ano bang gusto mo?" gustong gusto kong manatili sa ganitong posisyon namin kaso naalala ko si Alex. Kung may gusto mang ipakuha si Cassy sa baba, kukunin ko na lang agad para makabalik na ko kay Alex. Baka hinihintay na niya ko.

Malamang nakabusangot na naman yun. Baka nga bugahan na naman ako nun ng apoy dahil sa pagkarga ko sa kapatid niya.

Nagulat ako ng mas inilapit ni Cassy ang mukha niya sa akin.

Pucha! Mali 'to! Maling-mali to.

"Ikaw." sagot niya at muli akong niyakap. Hindi ko na mapigilan ang pagbilis lalo ng tibok ng puso ko. 

"I still like you Cupid."

Tanghali na ng magising ako. Naihatid na ng driver nila sir Joey ang mga bata sa school. Kaya wala naman akong magagawa kundi maglakad-lakad sa bahay na 'to.

"Hoy anong ginagawa mo dyan?" tanong ko ng makita kong nakaupo si Alex sa gilid ng pool.

Anong meron? Bakit di man lang niya ako tinignan?

"Sabagay seahorse ka nga naman." pang-aasar ko. Baka sakaling sumagot.

"Tanga sa dagat ang seahorse, hindi sa pool." sagot niya ngunit di pa rin ako tinitignan.

Ano bang ginawa ko? Bakit galit na galit siya sa akin?

"Sa wakas, nagsalita ka rin." umupo ako sa tabi niya at isinawsaw rin ang mga paa ko sa tubig.

"Bakit nandito ka?" mataray na tanong niya.

Nagmamaldita na naman to.

"Bakit bawal ka bang samahan ng boyfriend mo dito?" nakangisi kong balik na tanong.

Humarap ako sa kanya. Hanggang ngayon sa tubig pa rin siya nakatingin. Di pa rin ako tinitignan.

Sa di kalayuan, nakatingin sa amin ang tatay niya.

"Boyfriend?" tanong niya at sa wakas tinignan na ko.

Mas lumapit ako sa kanya at umakbay. Kaso tinanggal niya ang pagkakaakbay ko sa kanya.

Palihim ko naman siyang sinenyasan na nakatingin sa amin ang tatay niya kaya hinayaan niya kong umakbay muli sa kanya.

"Aww, sakit naman nun." pabiro kong sabi at humawak pa sa dibdib na para bang talagang nasasaktan.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon