CHAPTER FORTY-THREE

178 20 29
                                    

Ilang araw na ang lumipas nang makausap ni Joey si Cris.

Hanggang ngayin hindi niya rin mawari kung ano nga ba ang dapat niyang gawin sa anak niyang si Alexander - Alexandra, pagtatama niya dahil naalala niya ang pagtatama sa niya ni Cris. At ayun na nga hindi niya alam ang gagawin niya kila Alexandra at sa contract boyfriend nitong si Cris, na tinuturin niya na ring anak.

Matapos umalis ni Cris sa bahay nila ay umuwi na rin si Cassandra sa condo nito habang si Alexandra naman ay hindi na rin umuwi sa bahay nila.

Habang tinitignan niya ang paligid ng bahay ay lalo niyang napansin na nawalan na ito ng buhay at kulay.

Hindi tulad noong nandito pa ang mga anak niya at si Cris kasama ang mga pamangkin nitong napamahal na rin sa kanilang mag-asawa.

Nang napagdesisyonan niyang bumaba ay dun niya nakita si Alexandra na kausap ng kaniyang asawa na si Amy.

"Anak, dito ka muna. Samahan mo na kaming kumain ng daddy mo," rinig niyang saad ni Amy

Napansin naman niya na may mga dalang maleta ang anak niya, para bang iiwan ulit sila nito.

Pero sa pagkakaalam niya ang may mga projects pa ito dito sa Manila kasama ng kapatid niyang si Francisco.



"Dito ka na kumain, maraming niluto sila manang pero dadalawa lang naman kami ng mommy mo," pagsingit naman niya sa usapan at tuluyan na ngang lumapit sa kaniyang mag-ina.

Hindi na nga nakahindi pa ang kaniyang anak at kumain na nga kasama nila.

Hindi naman niya maitago ang saya nang muli niyang makasama ang kaniyang anak sa hapag-kainan. Kaya lang ang hiling niya sana ay nandito rin si Cassandra para maging buo muli sila.

Napakatahimik ng hapag-kainan. Walang gustong bumasag ng katahimikan.

Tahimik lang silang kumakain habang ang kaniyang asawa ay panaka-nakang tinitignan ang kanilang anak.


Wala namang problema sa pagitan ng mag-ina. Matagal nang humingi ng tawad si Amy sa kanilang anak, bago pa man ito pumunta sa New York.

Alam niya rin na ilang beses nang pinilit at hiniling ni Amy na bumalik na sa puder nila si Alexandra pero ang tanging ginagawa lang nito ay ang magpakita sa kaniyang ina.

Kung minsan pa nga ay pumupunta si Amy sa New York para lang magkasama at maka-bonding ang anak nila.

Aminado naman siyang may inggit siyang nararamdaman dahil dito.

Matagal na niyang gustong humingi ng tawad sa anak nila pero hindi niya magawa. Nahihiya siya sa kaniyang nagawa at hindi niya alam kung saan dapat magsimula.

Pero kung may natutunan man siya kay Cris , yun ay ang sabihin na ang nararamdaman niya bago pa mahuli ang lahat.

Kaya minabuti na niyang kunin ang pagkakataong ito.














"Anak, pwede ba kitang makausap?" para bang dayuhang pakiramdam ang naradamdaman niya ngayon. Ito kasi ang unang pagkakataon muli na natawag niyang anak si Alexandra.

Agad naman siyang tinignan ng kaniyang anak.

Katatapos lang nilang kumain at sinabihan siya ng kaniyang asawa na kausapin na ang kanilang anak.

Kaya ito siya ngayon, naglalakas loob na kausapin ang anak nila.

"Bakit po?" tanong naman nito

Ngayon niya lang napansin ang serbesang hawak nito.

"Ang aga pa, umiinom ka na," saad niya at umupo sa tabi nito.

"May iniisip lang po," maikling saad ng anak niya bago uminom.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon