Cris
Ang hirap pa lang gumising na hindi mo alam kung magiging maganda ba ang kalalabasan ng araw na 'to.
Alam ko namang lahat ng tao ganun yung nararamdaman, dahil lahat naman tayo hindi natin sigurado kung anong kakalabasan ng mga araw natin.
Pero mas nakakatakot kung may dalawang option tayo sa kahahantungan ng araw natin, tulad ng sa akin.
Huling araw na ng kontrata namin ni Alex.
At sa puntong 'to, may dalawang option ako:
A. Ang ipaglaban ang pag-ibig ko sa kaniya.
Kaso ayoko namang lumabas na para bang pinipilit ko lang siya. Paano kung inilaban ko 'to pero ayaw naman niya na?
Or
B. Ang pakawalan na siya.
Ito yung isang bagay na ayokong gawin pero paano kung ito naman yung gusto niya?
Pero paano rin kung hinihintay niya lang pala akong ipaglaban siya?
Sa totoo lang, naguguluhan din talaga ako at natatakot.
Naguguluhan ako sa mga bagay na pwede kong gawin at natatakot ako sa kahihinatnan ng pipiliin kong gawin.
Pero mayapos ang nangyari kagabi, alam kong ang lahat ng sinabi at ginawa ko sa mga nagdaang araw ay totoo.
Nagsimula man kami sa isang kontrata at kasinungalingan ay gusto ko naman itong magtapos sa katotohanan.
Matapos ang pangako ko sa kaniya kagabi, naisip ko na kahit pabiro yun ay gusto kong panindigan.
Dahil kung meron man akong natutunan sa mga araw na magkasama kami, yun ay ang minahal ko siya ng totoo.
Kaya bilang pang huli sa aking listahan, ito ang aking gagawin:
10. Do not make promises that you cannot keep.
Dahil gusto kong patunayan na kaya kong panindigan ang mga pangako ko sa kaniya.
Gusto kong maipakita na hindi lang ako hanggang salita.
Gustong gusto kong iparamdam sa kaniya na kamahal-mahal siya at may isang taong handa siyang panindigan at mahalin, at ako yun.
"Uy, ang lalim naman po ng iniisip mo dyan," nakangiting bungad sa akin ni Jian habang nililinis ang aking lamesa.
Kanina pa ako nandito sa coffee shop na pinagtratrabahuhan niya matapos kong maihatid sa tatay ko ang mga bata.
"Sa sobrang lalim nyan baka malunod ka," biro niya pa.
"Iniisip ko lang kasi Alex," sagot ko bago tikman ang kape kong lumamig na sa paghihintay.
"Bakit dinadaga ka na naman ba?" kunot-noong tanong niya at umupo sa aking harapan.
"Buo na ang loob ko, walang daga daga dito," saad ko at hinampas pa ang aking dibdib.
"Pero sa tingin mo ba magugustuhan niya 'to?" tanong ko at ipinakita ang singsing na binili ko kasama ang mga bata bago ko sila ihinatid.
Kasama si Xia at Josh sa pagpili ng singsing na 'to. Kumuha rin ako kanina ng singsing ni Alex bago kami umalis para malaman ko ang sukat niya.
Tinignan maigi ni Jian ang hawak kong singsing. Talagang sinisipat niyang maigi.
"Maganda, bagay yan sa kaniya. Pero sure ka bang kasya yan sa kaniya?"
"Oo naman, nakasukat yan sa singsing na lagi niyang suot." Buti na nga lang ay hindi niya yun sinusuot sa pagtulog kaya nagawa kong kunin nung paalis na kami habang natutulog pa siya.
"Sira ka, para mo naman siyang ninakawan," saad ni Jian at binatukan pa nga ako.
Sa pagkakaalala ko, ako yung mas matanda sa aming dalawa pro binabatuk-batukan lang ako ng isang 'to.
"Ibabalik ko naman mamaya," hinampos ko ang bandang binatukan niya habang tinitignan ang singsing.
Magugustuhan niya kaya ito?
"Ano pang hinihintay mo? Kung buo na ang loob mo, bakit ka pa nandito? Ibigay mo na yan sa kaniya," ani ni Jian at muli nang tumayo nang makitang may papasok na namang customer nila.
"Natatakot kasi ako," napatigil siya sa kaniyang paglalakad paalis nang marinig niya ako.
"Akala ko ba hindi ka na dinadaga?" tanong niya at sinenyasan ang katrabaho niyang asikasuhin muna ang bagong dating nilang customer.
"Natatakot ka because?" tanong niya
Agad ko namang sinabi ang mga bagay na kanina pang gumagambala sa akin.
"Mahal mo ba siya?" seryosong tanong niya matapos ang ilang minutong pananahimik habang pinapakinggan ako.
Sa loob ng apat na salitang yun ay tila ba nawala ang mga pangamba ko.
"Mahal na mahal," nakangiting sagot ko.
Matapos ang lahat ng pinaagdaanan namin ni Alex ay sigurado na kong mahal na mahal ko siya at hindi ko kakayaning mawala pa siya sa akin.
"Gusto kong gumising sa umagang siya ang una kong makikita. Gusto kong matulog sa gabi na siya ang katabi." saad ko habang iniisip si Alex.
"Minsan may mga hindi kami pagkakaintindihan pero siya pa rin ang gusto kong makasama habang buhay. Na kahit anong hindi namin pagkakaintindihan at kahit anong hirap, siya pa rin ang pipiliin ko araw-araw." dagdag ko pa.
"Minsan na kong nagkamali sa pagpili dahil natakot ako. Pero na-realize kong mas nakakatakot palang mawala siya sa akin." nakita kong ngumiti si Jian dahil sa aking mga sinabi.
"Kaya ang sagot sa tanong mo ay oo mahal na mahal ko siya, sa katunayan nga ay iniibig ko siya."
Dahil alam ko sa sarili kong hindi lang to basta pagmamahal, hindi dahil sa awa o aa pinagsamahan namin. Kundi dahil in love ako sa kaniya, sa bawat bahagi ng pagkatao niya.
"Ano pang hinihintay mo? Puntahan mo na siya. Sa kaniya mo sabihin ang lahat ng iyan." nakangiting saad ni Jian bago niya ako iwan para bumalik sa trabaho niya.
Muli kong tinignan ang singsing nahawak ko.
Kanina habang pumipili kami ng mga bata ay meron pang mga duda at pangamba sa utak ko.
Ang dami komg kinakatakutan na mangyari.
Ang dami kong mga bagay na naiisip na dahilan para hindi ito ituloy.
Pero sa tanong ni Jian, lahat yun nawala.
Lahat ng mga pangamba ko kanina ay tuluyan nang naglaho.
Buo na ang loob ko. Buong buo na ang desisyon ko.
Paninindigan ko na ang pangako ko sa kaniya.
Paninindigan ko siya.
Paninindigan ko si Alex.
Author's Note:
Hi! Buhay pa ba kayo? HAHAHAHAHA
Sorry na sa mahabang paghihintay. Pero thank you sa mga naghintay.
Thank you sa mga patuloy na nagbabasa nito at sa pag vote.
Vote and comment lang kung buhay pa kayo HAHAHAHA
Mabuhay kayo hanggat gusto niyo 🫶🏻
BINABASA MO ANG
You're Mine
Random"Ayoko ng kaagaw! Mapalalaki man o babae pa yan, ayaw kong lalapitan ka. Mahal kita, kaya akin ka lang. Remember YOU'RE MINE, just MINE!" "Mahal kita, mahalin mo rin ako unting respeto naman! Kapag sinabi mo na na mahal mo ko, YOU'RE MINE, 'TILL INF...