CHAPTER THIRTY-ONE

317 27 13
                                    

Cris

"Hey Cupid, thank you for coming!" agad na humalik sa aking pisnge si Sandra nang dumating ako sa location nila.

Isang bahay-ampunan na naging malapit din sa kaniya. Simula kasi nung binuo niya ang organization nila ay inumpisahan na rin nilang tumulong sa mga batang nangangailangan at sa mga bahay-ampunan nangangailangan ng suporta.

Tinignan ko ang paligid at nakita ang mga batang masayang naglalaro at nagtatawanan. Para bang nakalimutan ko na ang mabigat kong dala.

Nagpatulong kasi si Sandra sa pag-aayos ng mga gagamitin nila ngayong araw para sa feeding program.

Inilapag ko ang dala-dala kong mga kahon na naglalaman ng mga ipamimigay naming mga laruan para sa mga bata.

Kasunod ko ang isa pang volunteer na nagdala naman ng iba pang mga ingredients.

"Cupid pakitikman naman 'to please," saad ni Sandra

Sa ilang araw niyang pag-aaral magluto para makatulong siya sa pagluluto para sa mga bata, masasabi kong talaga nga namang nagtagumpay siya.

"Masarap," nakangiti kong ani at pinunasan ang kaniyang pawis.

"Gaano pa ba karami yung lulutiin niyo? May maitutulong pa ba ako?" tanong ko

Mukhang konti na lang naman ang gagawin nila dahil marami rin namang mga volunteers ang nandito. Pero halos si Sandra ang gumagawa ng lahat dahil gusto daw niyang maging hands-on para sa mga bata.

"Hug?," naguguluhan ko siyang tinignan.

"Napapagod na kasi ako, kailangan ko nang yakap mo," ramdam ko nga ang pagod niya kaya hindi na ko nag-isip pa't mahigpit ko siyang niyakap.

"Pwede na tayong mag-usap after nitong event."

Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan ang isa sa mga dahilan kung bakit ako pumunta dito.

Ilang araw ko na rin kasing pinag-iisipan kung ano ba ang dapat kong gawin.

Alam kong mali na may maramdaman ako kay Alex habang karelasyon ko si Sandra.

Kaya naisip kong makipaghiwalay na kay Sandra.

Minahal ko siya higit pa sa alam niya at hanggang ngayon hindi ko maitatanggi na mahal ko pa rin siya. Kahit siguro lumipas ang ilang taon at magmahal ako ng iba, mananatili pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya, mas mamahalin ko ang taong nahanap ko kaysa sa kaniya. Ganun nga ang nararamdaman ko ngayon. Mahal ko si Alex at ayoko ang pakiramdam na para bang pinagtataksilan ko si Sandra dahil sa kaniya.

Ayokong saktan si Sandra, pero alam kong kung hindi ko to gagawin ngayon, mas lalo ko lang siyang masasaktan.



"Crisostomo!" agad akong napalingon sa tumawag sa akin. Ngayon ko lang napansin na wala na si Sandra sa harap ko at ang lahat ay abala na sa paghahanda para sa event.

"It's good to see you again, Cris." saad ni Patrick at umakbay sa akin.

"Isa ka rin pala sa mga volunteers dito." saad ko ngunit napangiti lang siya at umiling.

"No, actually isa ako sa mga donors sa organization ni Cassandra."

"Well, si Jian naman talaga ang may gusto na mag-donate kami," nakangiting saad niya habang tinitignan ang mga batang naglalaro.

"Sayang nga at may pasok siya ngayon, hindi tuloy siya nakasama sa akin ngayin dito." hanggang ngayin na guguluhan pa rin ako sa kung anong relasyon ang meron sila ni Jian pero habang tinitignan ko ngayon si Patrick para bang sobrang saya niya pag nababanggit si Jian.

"Akala ko pa naman kasama mo si Jian." ani ko at agad na lumingon siya sa akin.

"May gusto ka ba kay Jian?" seryosong tanong niya. Dama ko rin ang paghigpit ng pagkakaakbay niya sa akin.

" Wala, para ko nang kapatid yun," sagot ko at agad namang lumuwag ang pag-akbay niya sa akin.

"Buti naman. Kasi kung hindi ibabaon na kita ngayon sa kinatatayuan mo," nakangising saad niya pero ramdam ko ang pagbabanta niya.

"Sabagay may girlfriend ko na nga pala,"  ani niya at tinignan si Sandra na nag-aayos ng mga upuan sa harap namin.

"Dalawa pa," muling nakangising saad niya. "Pero after a month or two, magiging isa na lang yun." napakunot naman ang noo ko sinabi niya.

Alam ba niya na makikipaghiwalay na ko ngayon kay Sandra?

"Hindi pa ba nasasabi sayo ni Xandra?" muli na naman akong naguluhan sa kung ano bang ibig niyang sabihin.

Kaya mas piniki kong umiling dahil hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin sa kaniya.

"Malapit nang mag-end ang contract mo kay Xandra Perez." para bang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya.

"Mag-end? Diba wala namang nakalagay kung kailan ang end ng contract ko?"

"Yeah. Kaya nga nabigla ako nang tumawag sa akin si Xandra at sinasabing ayusin na raw ang contract mo." saad niya at ipinakita sa akin ang letter of termination of contract.

"Gusto ka na niyang ibalik." mahinang saad niya habang tinitignan rin ang letter.

"Bakit?" para bang unti- unting nababasag ang boses ko dahip sa aking mga naririnig.

"Sa totoo lang, hindi ko rin alam pero diba nga nagloko lang naman ang app namin kaya ikaw ang napunta sa kaniya kahit na hindi naman ikaw ang pinili niya?"

Oo nga pala  hindi nga pala ako ang pinili niya noon. Pero bigla na lang niya kong ibabalik na para bang isa akong gamit na kailangan nang palitan?

"Akala ko nga nung una, ayos na. Hindi ka naman kasi niya binalik sa amin agad pero ngayon halos isang taon na bigla ka na lang niyang ibabalik."

Sa dami naming pinagdaanan, bakit bigla na lang siyang magdedesisyon ng ganyan nang hindi ko man lang nalalaman?

"Hindi pa namin napag-uusapan kung ibabalik ka lang ba niya o kukunin na niya yung pinili niya talaga. Pero isa lang ang sigurado ko, ibabalik ka na niya sa amin." malungkot na saad ni Patrick na para bang nakikiramay sa pinagdadaanan ko ngayon.

Kung kailan naman alam ko nang may nararamdaman na ako aa kaniya tsaka pa nagkaganito. Kung kailan naman balak ko nang itama ang lahat tsaka niya pa napiling putulin kung ano man ang namamagitan sa amin.

Kung kailan alam ko na kung sino ang pipiliin ko tsaka pa ipapamukha sa akin na nung una palang hindi naman ako ang pinili niya.

Huli na ba ako? Huli na ba para sa aming dalawa?













Author's Note:

Uy, buhay pa kayo? HAHAHAHAHA

Sorry kung natagalan kung update at medyo mapanakit.

Balita ko 111th monthsary ngayon ng VhoIce. Happy monthsary babies!

Enjoy reading!

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon