Cris
Nang matapos ang tawag ay pumunta na agad ako sa lugar kung saan kami magkikita ng tatay ko.
Aaminin ko, kinakabahan ako. Ito kasi ang unang beses na magkikita kami ulit. Unang beses ulit na makikita ko siya ng personal at hindi sa dyaryo or t.v. lang.
Ilang minuto lang akong naghintay sa coffee shop kung saan lagi kaming nag-aalmusal kasama si ate at mommy, at dumating agad siya.
Naglakad siya palapit sa table ko suot-suot ang suit niya. Kakatapos lang siguro ng meeting nila.
"Dad," bati ko nang maupo siya sa harapan ko.
Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya.
Blangko lang ito habang tinitignan ako.
"I'm sorry," sabay naming saad
"Dad, sorry. Hindi ko po dapat ginawa yun. Hindi po dapat ako lumayas." ani ko at pilit na pinipigilan ang mga emosyon ko.
"Ako ang dapat na humingi ng tawad sayo. Hindi mo dapat naranasan kung ano man ang mga naranasan mo dahil sa akin." ani naman niya at tulad ko pinipigilan niya rin ang emosyon niya.
Hindi naman ganun karami ang tao rito pero alam kong parehas kaming hindi magaling magdala ng aming mga emosyon at mas lalong hirap kaming maglabas ng emosyon sa ganitong lugar na maraming mga taong makakakita sa amin.
"Kasalanan ko 'to kasi nawalan ako ng oras sa inyo ng ate Athena mo nung mawala ang mommy niyo."
Naalala ko ang unang araw na nawala si mommy. Pagkagaling namin sa sementeryo ay sa kumpanya agad ang tuloy niya. Ni hindi man lang namin siya nakasama hanggang sa nagtuloy-tuloy na nga na para bang sa kumpanya na siya nakatira at hindi sa bahay namin.
Ni hindi rin namin siya nakitang nagluksa na kasama kami. Kung ano mang emosyon ang meron siya, para bang itinuon na lang niya sa kumpanya at sa pagpapalago nito.
"Nag-focus ako masyado sa pagpapalago ng kumpanya at hindi ko namalayan na lumalayo na pala ang loob niyo sa akin."
Sa loob ng mahabang panahon para bang ilang beses ko nang muntukang makalimutan na may tatay pa nga pala kami. Dahil hindi namin siya nakakasama at kung magkikuta man kami, saglit na oras lang tapos babalik na ulit siya sa kumpanya.
Walang kumustahan. Para bang basta magkita lang kami ayos na at kung minsan nga hindi na namin nakikita ang isa't isa.
"Nung nagtanan ang ate Athena mo at si Harry dun ko lang nalaman na napapabayaan ko na pala kayo."
Dahil nga sa ganung sitwasyon namin, wala ring kaalam-alam si daddy na may boyfriend na si ate Athena. Nung una akala ko panandalian lang iyon at hindi magtatagal dahil masyadong mabilis ang takbo ng relasyon nila.
Hindi na rin kasi kami naging close ni ate Athena. Para bang nang mapalayo si daddy sa amin ay nagkaroon na rin kami ng gap. Kaya hindi na namin napag-uusapan ang mga ganung bagay.
Nagulat na lang ako nang matapos ang graduation niya at nagmamadaling umalis sa bahay.
Yun na pala ang araw na makikipagtanan siya.
"At natakot ako, kasi baka masaktan lang ang ate mo. Pero tignan mo nga naman nabuo pa sila ng dalawang supling at mas pinili ng ate mo ang lalaking yun kaysa sa atin. Hanggang sa naghirap na nga sila at walang magawa ang ate kundi ang bumalik sa puder ko."
Ilang taon din namang naging masaya ang pagsasama nila ate. Kahit na hindi naman na kami close sinisigurado ko pa rin na maayos ang kalagayan nila hanggang sa nalaman kong magiging tito na ko. Dun ako nagpursiging ayusin ang relasyon namin ni ate.
BINABASA MO ANG
You're Mine
De Todo"Ayoko ng kaagaw! Mapalalaki man o babae pa yan, ayaw kong lalapitan ka. Mahal kita, kaya akin ka lang. Remember YOU'RE MINE, just MINE!" "Mahal kita, mahalin mo rin ako unting respeto naman! Kapag sinabi mo na na mahal mo ko, YOU'RE MINE, 'TILL INF...