|PROLOGUE|

654 27 4
                                    

|Sealed Promises|

Third Person's POV

"Anong kailangan nyo? Kanina nyo pa'ko sinusundan at di ako tanga para hindi mapansin yun." Malamig na sabi ni Taehyung habang umaalis mula sa pagkakaupo sa bisikleta nya. Tiningnan nya ang nasa limang lalaking bumaba mula sa itim na van.

"Ikaw si Kim Taehyung, tama ba?" Tanong nito pero hindi sya sumagot. "Bakit mo tinatanong at anong kailangan mo?" Tanong nya pabalik na kinaangat ng gilid ng labi nito.

"Totoo ngang matapang at antipatiko ka." Napapailing na sabi nito kaya nauubusan ng pasensyang naglakad si Taehyung palapit dito.

"Bakit di nyo na lang ako diretsahin kesa kung anu-ano pang sinasabi nyo? Alam nyo bang nasasayang lang ang oras ko dito?" Tanong nya sa naiinip na tono.

"Gusto kang makausap ni Boss." Sagot nito na kinaangat ng kilay nya. "Boss? Huh! Wala kong kilalang Boss." Pairap nyang sabi saka ito tinalikuran.

"Ganito ka pala kahirap kausap, Kim Taehyung." Nanlaki ang mga mata nya nung marinig ang boses na sa cellphone nya huling narinig. Pilit nyang kinalma ang sarili saka pokerface na humarap dito. Hindi nga sya nagkamali ng hula, kaharap na nga nya ito.

"Napaka-espesyal ko naman na dumayo ka pa dito sa probinsya para sakin. Anong kailangan mo?" Tanong nya muli. Itinapon nito ang sigarilyo nito saka naglakad palapit sa kanya. Inikutan sya nito at kahit na nakakaramdam na sya ng kaba ay pilit nya iyong tinago.

Kailangan nyang magpakatapang.

"Hmm, di na rin masama. Kaya pala umuuwing bugbog-sarado at puro sugat ang tauhan ko ay dahil sayo. Napakatibay naman pala ng proteksyon na mayroon ang anak ni Gerald." Napatiim-bagang sya nung marinig ang pangalan na iyon.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon