{20} THE GIRL AT THE STAIR

254 17 35
                                    

KIM TAEHYUNG'S POV

"Mauna na kayo. May group presentation pa kaming aayusin. Jin hyung, ikaw na lang mag-drive ng kotse ko. Sasabay ako kina Euri." Sabi ko habang inaayos ang mga hawak kong aklat pati laptop.

Inangat ko ang tingin ko nung di sila umimik o gumalaw man lang. Napansin kong nakatingin silang lahat kay Gukkie kaya napatingin rin ako sa kanya.

"Saan? Sinu-sino kasama? May number ka ng leader nyo? Sabihin mo sakin yung eksaktong address, mula sa streets hanggang sa bilang ng bahay. Kung hanggang anong oras lang kayo at syempre bawal lumagpas dun. Now, tell me." Sabi nya kaya muntik ko pang mabitiwan ang mga hawak ko. Narinig ko ang mahinang pagpipigil ng tawa nina Jin hyung. "Pangarap yatang maging interviewer ni Kuneho" sabi ni Chim habang tumatawa.

Hawak naman ni Gukkie ang cellphone nya at pansin kong nasa recorder yun. Napaawang na lang ang labi ko sa pinapakita nyang ugali.

"A-Aba---b-bakit sobrang dami mo naman pong tanong?" Sabi ko habang nakaangat ang isang kilay. "Normal lang yun dahil boyfriend mo'ko." Sabi nya saka nilapit pa sa mukha ko ang recorder.

"Ano? Sabihin mo na." Sabi nya pa kaya napailing na lang ako. "TAEHYUNG! HALIKA NA!" Napatingin ako sa tumawag sakin at nakita ang mga dalawa kong blockmates na nakaabang sakin.

"Uuwi rin ako agad, Gguk. Di na kailangan 'to." Sabi ko at mahinang pinalo ang balikat nya. Ngumiti ako saka na sya tinalikuran.

"Ingat ka, Taetae." Sabi ni Hobi hyung kaya humarap ako sa kanila at naglakad patalikod. "Sa bahay ang diretso mamaya, ah?" Sabi ni Jin hyung. "Pramis!" Sabi ko saka sila nginitian ulit. Napansin kong tahimik at seryosong nakatingin lang sakin si Gukkie na kinailing ko na lang.

"I LOVE YOU, BUN! INGAT KA PAUWI!" Sigaw ko saka sya binigyan ng flying kiss. Narinig ko ang tilian sa parking lot lalo na nung mapayuko si Gukkie at nahihiyang nagkamot ng batok.

"I LOVE YOU, TOO, DAW!" sigaw ni Chim habang tumatawa. Kumindat lang ako kay Gukkie nung tingnan nya ko saka na tuluyang nilapitan ang mga kasamahan ko.

"Iba talaga magpakilig, oh." Hirit ni Euri na nginisihan ko lang. "Ayaw akong payagan, eh. Kailangang pakiligin ng konti." Sabi ko habang iniaabot kay Pau ang ilan sa mga hawak ko.

"Oh, pano? Tara na?" Tanong ko na agad nilang tinanguan. "Sa cafe na lang daw tayo i-mi-meet ni Annie." Sabi ni Euri kaya tumango na lang ako. Akmang lalakad na'ko papunta sa kotse nung may umakbay sakin. Napatingin kaming lahat sa kanya at nakita ang nakangiting si Gukkie.

"Uh, Hi." Sabi nya kaya nagsipagngitian naman ang mga kasamahan ko. "Bakit ka nandito?" Tanong ko kaya mabilis syang lumingon sakin at nilapit ang mukha nya 

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon