{03} GUKKIE'S ONLY WISH

273 21 19
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nagkakasiyahan na ang lahat pero nakakulong pa rin si Jungkook sa sarili nyang kwarto. Suot na nya ang damit na inihanda ng Mom nya para sa party. Lumabas lang sya nung magsisimula na ang party dahil kailangan nyang umakyat sa stage.

Masaya at engrande ang birthday party na regalo sa kanya ng mga magulang nya pero di nya makuhang sumaya. Pinunasan nya ang luha nya nung marinig nya ang pagbukas ng pinto.

"Baby.." Nakita nya ang nag-aalalang mukha ng Mom nya kaya mabilis syang bumaba sa kama nya at lumapit dito. "Mula nung magsimula ang party ay nandito ka lang. Hindi mo ba nagustuhan ang party'ng hinanda namin para sayo?" Tanong nito.

"I love it, Mom. Thank you for this." Sabi nya at yumakap dito. "Baby, your Taehyungie hyung will be back sooner. Don't be sad. Di ba't excited na excited ka sa araw na'to?" Tanong ni Xyren habang hinahaplos ang buhok ni Jungkook.

"But hyung is not here. Sana ay nag-uusap na kami at kumakain ngayon pero wala sya dito." Pinipigilan nya na namang maiyak dahil di nya matanggap na wala si Taehyung sa tabi nya ngayong birthday nya.

"I'm sorry about that, baby but we can't bring your hyung here. I'm sure that he's on the province now. Stop crying, baby." Sabi ni Xyren na hindi na inimikan pa ni Jungkook.

"Ayaw mo bang makita o makausap ang iba mong hyungs?" Tanong ni Xyren. "Susunod na lang po ako." Mahinang sagot ni Jungkook at kumalas na ng yakap. Walang nagawa si Xyren kundi ang tumango at iwanan ang anak sa kwarto nito.

"Ano? Anong sabi nya?" Nag-aalalang tanong ni Gerald sa asawa nung makalabas ito ng kwarto ni Jungkook. "He really wants to see Taetae right now." Sagot ni Xyren habang yumayakap sa asawa.

"Hayaan mong gumawa ako ng paraan." Hinalikan ni Gerald ang sintido ni Xyren at mabilis na bumaba ng hagdan. Tumungo sya sa tahimik na parte ng bahay at kinuha ang cellphone nya.

Wala pang isang minuto ay nasagot na kaagad ng tinatawagan nya ang phone nito.

"Gerald. Napatawag ka? Happy birthday kay Jungkookie, ngayon lang ako nakabati sa sobrang busy ko kanina." Sabi ng kausap nya sa kabilang linya. "Salamat pero alam mo bang sobrang lungkot ng bata ngayon? Ayaw nyang lumabas ng kwarto kahit anong pilit namin." Sagot ni Gerald bago sumandal sa bintana at tingnan ang mga bisita sa labas.

"Bakit?" Nabahiran ng pag-aalala ang tono nito. "Dahil papunta ng probinsya ang Taehyungie hyung nya." Sagot nya na kinatahimik ng kausap nya.

"Oh, shit. Bakit di nagreklamo si Taetae nung sinabi kong ngayon ang alis nila? Ang bata talagang yun. Kaya ko namang ipaliwanag kina Mom na male-late ng konti ang dating nya." Sabi ni Arthur habang hinihilot ang sintido nya.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon